^

PSN Showbiz

Dati mahal na mahal Magandang aktres may problema sa mayamang napangasawa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Nakapag-asawa ng napakayamang Intsik ang aktres na ito. Pinakasalan naman siya at nagkaroon sila ng mga anak. Nabubuhay sa luho ang aktres na nakatira sa magarang tahanan at may magarang mga sasakyan. ‘Yun nga lang, hindi siya nakalalabas ka­sama ng mga barkadang artista at kung lumabas man ng bahay ay paminsan-minsan lang.

Ganunpaman, kahit para siyang ibong nakakulong sa hawla ay masaya pa rin siya dahil faithful ang asa­wa sa kanya at naging good provider. Umuuwi siya nang maaga para makapiling ang pamilya.

Kaso, nag-iba ang ihip ng hangin. Napuna ng aktres na nagmumurang kamias ang asawa. Matitingkad na ang kulay ng mga polo nito, nagpagupit ito ng buhok para magmukhang bata at naka-gel pa. Dun lang nalaman ng aktres na may kinalolokohang batang babae ang asawa niyang isang fashion model na super sexy at maganda. Malamang na nakilala raw ito ng kanyang mister sa isang business mee­ting ayon sa aktres.

Ngayon, lagi nang umuuwi ng halos mada­ling-araw ang kanyang mister at idinadalangin na sana’y magbago na ito dahil lumalaki na ang kanilang mga anak na bukod sa matatalino ay mga guwapo at ma­gagan­da rin.

Bagama’t walang pelikula ang maganda pa ring aktres ay visible naman ito sa showbiz bilang concert producer.

 

vuukle comment

AKTRES

BAGAMA

GANUNPAMAN

INTSIK

KASO

MALAMANG

MATITINGKAD

NABUBUHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with