Vice Ganda masalimuot ang Pasko, namatay ang lolo!
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2014 - 12:00am

Dingdong at Marian pinayuhang mag-alay ng itlog para ‘di ulanin ang kasal; Aiza at Liza nag-e-enjoy sa kanilang ‘wedding’ publicity

SEEN: Nabahiran ng lungkot ang pagdiriwang ni Vice Ganda ng Pasko dahil sa pagpanaw ng kanyang 93-year-old grandfather na si Gonzalo.

SCENE: Damay sa publicity ng Praybeyt Benjamin 2 si James Yap at ang kanyang girlfriend na si Michela Cazzola dahil sa panonood nila ng pelikula, kasama ang ex-in laws ng basketball player noong December 25 sa SM Megamall Cinema.

SEEN: Magkasama na pinanood nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa isang sinehan sa Makati City noong Christmas Day ang Kubot: The Aswang Chronicles 2.

SCENE: Dumiretso sa Cavite sina Marian Rivera at Dingdong Dantes matapos manood ng sine dahil dinalaw nila ang mga kamag-anak ng aktres.

SEEN: Ang payo kina Marian Rivera at Dingdong Dantes na mag-alay ng mga itlog sa St. Claire Monastery upang hindi umulan sa araw ng kanilang kasal sa December 30 dahil sa low pressure area na mararanasan sa papasok na linggo.

SCENE: Taun-taon, pare-pareho ang sinasabi ni MMDA Chair Francis Tolentino na nagtala ng bagong record ang Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil mas malaki ang kinita nito. Talagang nadaragdagan ang kita ng MMFF dahil tumataas ang bayad sa mga sinehan. 

SEEN: Tumanggi ang MMDA at ang Metro Manila Film Festival Executive Committee na sabihin ang pamagat ng pelikula na nanguna sa box-office sa unang araw ng MMFF 2014 noong December 25. Sinabi lang nila na Top 3 MMFF movies ang Praybeyt Benjamin 2, My Big Bossing, at Feng Shui 2.

SCENE: Magpapakasal uli sina Aiza Seguerra at Liza Diño sa January 8. Kung ayaw ng dalawa na maging biktima ng bashing, gawin nila na pribado ang kanilang second wedding upang hindi sila mapagbintangan na ini-enjoy nang todo ang atensyon na ibinibigay ng publiko.

AIZA SEGUERRA ASWANG CHRONICLES CHAIR FRANCIS TOLENTINO CHRISTMAS DAY DINGDONG DANTES FENG SHUI MARIAN RIVERA PRAYBEYT BENJAMIN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with