Luis at Matteo inuna ang pamilya kesa kina Angel at Sarah!
Jun Nardo (Pilipino Star Ngayon) - December 26, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pamilya muna ang inuna nina Luis Manzano at Matteo Guidicelli nu’ng Christmas eve bago ang kani-kanilang girlfriend.

Sa post ni Luis sa kanyang Instagram account, kumpleto silang mga anak ni Edu Manzano. Nagpaalala rin ang host-actor na alalahanin ang mga taong walang pagkain sa mesa sa araw ng Pasko.

“Have a great Christmas celebration, don’t forget to say a prayer especially for the less fortunate who may not have a home nor food to celebrate Christmas!” mensahe ni Lucky.

Naka-post naman sa Instagram (IG) ni Matteo ang pamilya at kamag-anak nu’ng December 24. Nasa Cebu ngayong Pasko si Matteo kaya naman sa susunod na raw na lang nila isi-celebrate ni Sarah Geronimo ang holidays.

Kumpleto naman ang pamilya Gutierrez sa Noche Buena. Iba naman ang drama nila dahil lahat sila ay may suot na sunglasses, huh! Join din sa picture ang boyfriend ni Ruffa Gutierrez, huh! Belong na talaga siya sa royal showbiz clan!

Pero isa na marahil ang pinaka­ma­sayang tao kahapon ay si Kris Aquino. Nakumbinse niya ka­sing manood ng movie ni Bimby si James Yap sa SM Megamall. Eh, na­lam­bing naman ni Bimby ang tiyu­hin niyang si President Noynoy Aquino na manood din kaya isa na ito sa pinakamasaya niyang Christmas!

Umarangkada na ang MMFF 2014 kahapon kaya naman tangkilikin na­ting lahat ang entries kasama ang buong pamilya!

Sulong Manila! ni Mayor Erap inaasahang matutuloy

Nakansela nu’ng Miyerkoles ng gabi ang isang activity ng Lungsod ng Maynila na may kaugnayan sa Sulong Manila! 2015 Countdown sa Rajah Sulayman Plaza sa Roxas Blvd. dahil sa ulan. Pangungunanhan sana ng Manila Mayor Joseph Estrada ang pagpapasaya sa mga batang inimbitahan upang manood ng palabas.

Kung matutuloy, bukas, December 27 ang pagsasagawa muli ng event sa nasabing lugar na isa sa mga activities tungo sa December 31 na proyekto ng Mare Foundation ng dating Senador Loi Ejercito.

Hangarin ng countdown na maihaluntulad sa world-class New Year Countdown sa Times Square sa Newy York, The Eye sa London at iba pa. Magaganap ito sa harap ng Ramon Magsaysay Bldg. sa Roxas Bvld. kung saan bukod sa 3D video mapping, sasabayan pa ito ng ilang barges ng iba’t ibang klase ng makukulay at pabulosong fireworks display sa kalawakan ng Manila Bay.

Ang Sulong Manila 2015 Countdown ay sponsored ng ICTSI, Manila North Harbor, Smart Communications, at Emperador Light.

Cong. Lani hindi totoo ang mga ngiti nung Pasko

Hindi man pinayagang lumabas ng detention center sina Senators Bong Revilla, Jr, at Jinggoy Estrada, pumayag naman ang Sandiganbayan na magdaos sila ng Christmas party nu’ng Christmas eve.

Isa nga sa dumalo si Manay Lolit Solis na may dalang two in one cake, huh!  Siyempre pa, hindi nawala ang kani-kanyang asawa ng senador.

Sa interview nga kay Congresswoman Lani Mercado, may lungkot sa mga ngiti niya dahil first time na hindi kasama sa Pasko sa bahay ang asawa. Umaasam pa rin siyang mananig pa rin ang hustisya para sa asawa at makakamit nila ang petisyon na makapagbail si Sen. Bong.

Merry Christmas, Sen. Bong at Jinggoy!

 

ANG SULONG MANILA BIMBY CHRISTMAS CONGRESSWOMAN LANI MERCADO EDU MANZANO EMPERADOR LIGHT INSTAGRAM PASKO SULONG MANILA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with