^

PSN Showbiz

Rufa Mae hindi naramdaman sa My Big Bossing! Bong at Jinggoy pinayagang mag-Christmas party sa kulungan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi naramdaman ang special participation ni Rufa Mae Quinto sa Prinsesa episode ng My Big Bossing at higit sa lahat, walang improvement sa kanyang acting.

SCENE: Pinayagan ng Sandiganbayan sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada na magkaroon ng Christmas party sa kanilang kulungan sa PNP Custodial Center, Camp Crame.

SEEN: Ipagdiriwang ng magkapatid na Anne at Jasmine Curtis Smith ang Pasko sa Australia, sa piling ng kanilang mga magulang at kapatid. Naunang bumiyahe sa Australia si Anne noong Martes.

SCENE: Wala si Carla Abellana sa float ng Shake, Rattle & Roll XV sa Parade of Stars ng MMFF 2014 noong Martes dahil may sakit siya. Hindi napansin ang absence ni Carla dahil star-studded ang Shake, Rattle & Roll XV.

SEEN: Malaki ang role ni Jericho Estregan sa Muslim Magnum .357 at prelude ito para sa kanyang launching movie, ang Alyas Ben Tumbling. Anak ni ER Ejercito si Jericho at ang Muslim Magnum .357 ang pelikula nila na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2014.

SCENE: Inulit ng kampo ni Aljur Abrenica ang kagustuhan nito na bumalik sa GMA 7 pero ayaw niya na ipa-manage ang career sa GMA Artist Center, ang talent center ng Kapuso Network. Hindi naging maganda ang 2014 ni Aljur dahil sa kanyang padalus-dalos na desisyon.

ALJUR ABRENICA

ALYAS BEN TUMBLING

ARTIST CENTER

CAMP CRAME

CARLA ABELLANA

CUSTODIAL CENTER

JASMINE CURTIS SMITH

JERICHO ESTREGAN

MUSLIM MAGNUM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with