_ngayon
^

PSN Showbiz

Be Careful panalo bilang Best Foreign Drama Series sa Vietnam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinarangalan bilang Best Foreign Drama Series ng Face of the Year Award 2014 sa Vietnam ang longest-running daytime drama series ng Pilipinas na Be Careful With My Heart. Ang award ay napanalunan ng programa sa pamamagitan ng public votes at inanunsyo ito nitong Lunes (Disyembre 22).

Sa labis na pagmamahal sa Be Careful With My Heart o Trái Tim Bé B?ng para sa mga Vietnamese, ay kinilala rin ang natata­nging pagganap sa serye nina Jo­di Sta. Maria at Ri­chard Yap bilang ang mag-sweethearts na sina Maya at Ser Chief. Pi­naka­binoto ng Viet­namese viewers si Jodi bilang Best Foreign Ac­tress at si Richard bilang Best Foreign Actor. Kapwa dumalo sa pagdiriwang sina Jodi at Ri­chard upang tanggapin ang ka­nilang awards.

Ang Face of the Year Awards ay inoorganisa ng Today TV na isa sa pinakamalaking Vietna­mese television networks na nagpapalabas ng mga Filipino teleserye.

Bago makamit ang Face of the Year Awards sa Vietnam ay kinilala na rin sa Amerika ang natata­nging ganda ng Be Careful With My Heart. Naging finalist ito sa Telenovelas category sa 2013 New York Festivals International Television and Film Awards.

 

ANG FACE OF THE YEAR AWARDS BE CAREFUL WITH MY HEART BEST FOREIGN AC BEST FOREIGN ACTOR DRAMA SERIES FACE OF THE YEAR AWARD FACE OF THE YEAR AWARDS SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with