^

PSN Showbiz

Mga dadalo sa kasal nina Marian at Dingdong dapat sumunod sa dress code

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Pati pala mga bisita ay kinakailangang may dress code sa kasalang Ding­dong Dantes at Ma­rian Rivera. Kailangang lahat ay naka-pulang damit o gown for that matter. Kaya kung gusto nating malubos ang tagumpay ng kanilang kasal, bakit hindi natin sila pagbigyan?

‘Hindi ako naniniwalang masaya ang pasko kung walang pera’

I hope napasaya ko ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa kanilang Christmas Party. Sa rami kasi ng umaasam ng tulong pinansyal mula sa akin, kinakailangan kong pagplanuhan at i-budget  ang pera ko para lahat sila ay ma­pa­saya, kahit artista ako at hindi naman ako ganu’n ka­lakas kumita. Madalas abo­nado pa ako sa nag-iisang programa ko sa telebisyon, Walang Tu­lugan with the Master Showman. But God is good, napag-aabot ko ang mga gastusin ko. At kahit sino ang magsabi na hindi kailangan ng pera para magkaro’n ng isang masayang Pasko, ayaw kong maniwala. Sino ang magiging masaya kung walang nakahain ni kape’t tinapay man lang sa mesa. Kaya tayong may kakayahan, tumulong naman tayo para magkaroon ng Pasko ang mga walang kakayahan.

Sunshine baka ma-in love uli Cesar poging-pogi at machong-macho ang dating

Hindi kaya mag-fall in love na muli si Sunshine Cruz sa nakahiwalayan niyang si Cesar Montano? Aba. Fit na fit ang aktor at guwapong guwapo ito nang dumalo sa pa-party ng PMPC.

ER may dapat patunayan

Kampante lang si ER Ejercito kahit parang walang publicity ang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Muslim Magnum .357. In fairness, impressive ang trailer nito na napapanood sa mga sinehan. Sa movie ni ER, mapapatunayan kung kayang dalhin ng isang magandang istorya ng isang pelikula kahit walang promosyon. Sana magtagumpay siya.

vuukle comment

CESAR MONTANO

CHRISTMAS PARTY

KAYA

MASTER SHOWMAN

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MUSLIM MAGNUM

PASKO

PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with