Nahihirapang mag-isa, KC sa ibang bahay nakikitulog simula nang mamatay si Mommy Elaine; Kevin itinanggi ang relasyon kay Vice Ganda
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - December 24, 2014 - 12:00am

PIK: Binuksan na kahapon  ng isang makulay na parada ang 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) na sinimulan sa SM MOA at nagtapos sa Quirino grandstand.

Nakapag-premiere showing na rin ang ibang pelikulang kalahok, at ang isa sa pinaka-well attended na premiere night ay ang My Big Bossing nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Halos iisa ang komento ng mga nakapanood, ito raw ang pinakakuwelang performance ni Ryzza Mae na talagang kinarir ang bawat episode na nilabasan niya.

PAK: Magmula nang sumakabilang buhay ang Mamita ni KC Concepcion na si Mommy Elaine Cuneta ay nakikitulog na lang pala siya sa mga kaibigan at malalapit niyang pinsan.

Nahihirapan daw talaga siyang matulog na mag-isa dahil hanggang ngayon ay napapanglaw daw siya at nahirapan siyang kayanin na hindi niya nahahalikan at nakakausap ang Mamita niya bago siya matulog.

“Katabi ko kasi siyang matulog eh. Best friends talaga kami,” pakli ni KC.

Kailangan na rin daw niyang magpakatatag dahil siya rin daw ang umaalalay sa Mommy niya. Kaya lagi raw niya itong kinakausap at nagpapalakas siya kapag kaharap niya ang kanyang ina.

“We just talked, we keep talking kahit paulit-ulit para malabas niya. And niri-remind ko siya na kailangan ka pa namin, ikaw ‘yun,” pahayag pa ni KC.

BOOM: Ang basketbolistang si Kevin Alas nga ba ang tinutukoy na “Kevin” na ibinuking ni Bimby Yap na boyfriend daw ni Vice Ganda?

Nag-react kasi ang kampo ni Kevin nang lumabas iyon sa The Buzz at ilan sa mga kaibigan nito ay nag-text sa amin at nag-email ng paliwanag kaugnay dito. Pati raw ang Mommy nito ay apektado na, kaya isusulat namin ang isang text sa amin ng isang kaibigan ni Kevin.

Sabi nito: “He (Kevin) swears, never syang nahawakan man lang ni Vice. Alam mo kung sinong in-offeran ni Vice na ipapasyal sa ibang bansa? ‘Yung kagi-guest lang na player ng UST, si Kim Lo. Siyempre, rejected ang lola mo. Yaman-yamanang full-blooded Chinese kasi si Kim Lo eh.”

Marami naman daw talagang mga basketbolistang close kay Vice Ganda, pero hindi nila alam kung gaano siya ka-close o may romantic angle ang closeness na ‘yun.

BIMBY YAP KEVIN KEVIN ALAS KIM LO MAMITA METRO MANILA FILM FESTIVAL MOMMY ELAINE CUNETA MY BIG BOSSING VICE GANDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with