Kathryn nakokonsensya sa pagrerebelde
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Susubukin ang tatag ng kalooban ng karakter ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa huling dalawang linggo ng Wansapanataym special niyang Puppy ko si Papi.

Ngayong Linggo (Disyembre 21), mas mabubulabog na ang konsensya ni Iris (Kathryn) sa mga kasalanang nagawa niya sa amang si Douglas (Dominic Ochoa) lalo na’t nanganganib na itong maging isang permanenteng aso. Matutuklasan na ba ni Iris ang pagkakamali na dapat niyang itama upang maibalik ang kanyang Papi Douglas sa pagiging isang tao? Ano ang gagawin niya sa oras na tanggapin ng kanyang tatay ang kanyang kapalaran at tuluyan na silang iwan nito? Tampok din sa Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi sina Khalil Ramos, Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman, at John Lapus. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Yam Tanangco Domingo at direksyon ni Don Cuaresma.

Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina, Kapatid, Anak, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang. Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Wansapanataym special ni Kathryn ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.

APOLLO ABRAHAM CHIENNA FILOMENA DOMINIC OCHOA DON CUARESMA DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELEVISION IKAW LAMANG JOHN LAPUS JOHN STEVEN WANSAPANATAYM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with