Lovi hindi malimutan ang kinain sa Japan!
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2014 - 12:00am

SEEN: Ang exaggerated at inaccurate report kahapon ng female reporter ng dzMM tungkol sa shouting match sa pagitan ni Phillip Salvador at ng Norwegian na nang-insulto sa waitress ng isang restaurant sa SM Megamall. Pick up lang sa radyo ang report ng female reporter pero mali-mali ang balita niya.

SCENE: Ngayon ang book signing ni Robin Padilla sa National Bookstore branches (SM Mall of Asia, 12 noon at SM North EDSA, 4:00 p.m.) para sa librong Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

SEEN: Ngayon ang unang araw ng taping ng Mac and Chiz, ang bagong sitcom ng TV5 na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Empoy Marquez. Sa January 2015 ang target airing ng Mac and Chiz.

SCENE: Si Cesar Montano ang original choice para magbida sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo at siya ang unang kinausap ng lady producer ng pelikula na napasakamay ni Robin Padilla.

SEEN: Hindi bagay sa skin tone ni Khalil Ramos ang foundation na ginamit niya sa kanyang mukha sa grand presscon ng Shake, Rattle & Roll XV.

SCENE: Papasa nang Pilipino si Daniel Matsunaga dahil fluent na siya sa pagsasalita ng Tagalog na dapat pag-aralan ng model at aspiring actor na si John Spainhour. Mga artista ng Shake, Rattle & Roll XV sina Daniel at John.

SEEN: Hindi malimutan ni Lovi Poe ang Japanese dish na Sukiyaki na kinain niya sa kanyang biyahe sa Japan. Ang natikman na Sukiyaki ang madalas na ikuwento ni Lovi sa mga nangungumusta sa pagbabakasyon niya sa Japan.

SCENE: Bahagi na ng history si Megan Young mula nang isalin niya sa bagong winner ang kanyang Miss World crown. Handa na si Megan na mag-focus sa kanyang showbiz career.

ANG UNANG PANGULO BONIFACIO DANIEL MATSUNAGA DEREK RAMSAY EMPOY MARQUEZ JOHN SPAINHOUR KHALIL RAMOS MAC AND CHIZ ROBIN PADILLA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with