^

PSN Showbiz

Hubaderong aktor naki-level kina Sec. Mar at Sec. Lacierda!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ka-level na ng dating sexy actor na si Anton Bernardo sina DILG Secretary Mar Roxas at Malacañang Spokesman na si Edwin Lacierda.

Dahil sa hindi pagsusuot ng helmet habang sakay sila ng mga motorsiklo, umani ng mga batikos at panglalait sina Papa Mar at Secretary Lacierda.

Kaliwa’t kanan ang mga banat sa kanila dahil hindi sila sumusunod sa  ipinatutupad na batas, ang pagsusuot ng protective helmets kapag nagpapatakbo at sumasakay sa motorsiklo.

Pareho ng kapalaran sina Anton, Papa Mar, at Lacierda. Natimbog si Anton ng mga pulis Quezon City dahil hindi siya gumamit ng helmet habang nagpapatakbo ng motorsiklo.

Nadagdagan ang kaso ni Anton dahil sa mga drug paraphernalia na nakuha sa kanya nang kapkapan siya ng mga pulis. Kung  gumamit si Anton ng protective helmet, hindi siya magkakaroon ng drug case na mas mabigat na asunto.

May report ngayong hapon ang Startalk tungkol sa kaso ni Anton na siguradong nagsisisi dahil sa hindi niya paggamit ng helmet.

Diumano, bailable ang kaso na kinasasangkutan ni Anton pero as of presstime, hindi pa siya nakakalaya dahil walang nagbabayad ng kanyang piyansa.

Tinatawagan ang mga kamag-anak at kaibigan ni Anton na tulungan ito para sa kanyang temporary freedom. Malapit na ang Pasko at mahalaga na makasama ni Anton ang kanyang asawa at mga anak.

Aktres R niregaluhan ng kanyang mister ng bag na worth P3 MILLION

Lucky girl ang aktres na si R dahil expensive bag na nagkakahalaga ng US$60,000 ang Christmas gift sa kanya ng asawa niya.

Kating-kati na ako na sabihin ang buong pangalan  ni R pero hindi puwede dahil hindi pa naibibigay sa kanya ang bag na mamahalin.

Dolyares ang presyo ng bag dahil binili ito sa Amerika. Sa peso currency, halos tatlong milyong piso ang halaga ng bag na simbolo ng sobrang pagmamahal sa aktres ng kanyang mister na can afford dahil successful ang mga negosyo nito sa ibang bansa.

Three million pesos is three million pesos. Sobra-sobra na ‘yon na pang-piyansa para sa pansamantala na kalayaan ni Anton.

Martin gulat na gulat na 28 pa lang ang edad ni Pops

Kahapon ang kaarawan ni Pops Fernandez at kasabay ito ng concert nila ni Martin Nievera sa PICC Plenary Hall, ang The Penthouse…Live Reunion.

Tumigil sa 28 ang edad ni Pops as in huminto na siya sa pagbibilang nang i-celebrate niya noon ang kanyang 28th birthday..

Hindi makapaniwala si Martin nang makita nito ang picture ng birthday cake ni Pops na may number 28 candles.

Umiral ang pagiging komedyante ni Martin na nagpanggap na shocked na shocked dahil lumalabas na same age lamang si Pops at ang kanilang panganay na  si Robin.

 In fairness kay Pops, puwedeng-puwede siya na ma­pagkamalan na 28 years-old. Marunong si Pops na mag-alaga sa sarili na minana at natutunan niya mula sa kanyang nanay na si Dulce Lukban.

Bagets na bagets ang itsura ni Pops, lalo na kung hindi siya naka-makeup.

Mga special guest kagabi sa The Penthouse… Live Reunion sina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla.

Maagang pumunta ang dalawa sa PICC para sa sound check dahil alam nila na nakakaloka ang traffic situation sa Metro Manila tuwing Biyernes.

Mga suki sa Penthouse Live sina Regine at Zsa Zsa noong nag-uumpisa pa lamang ang kanilang mga singing career kaya pumayag sila na umapir sa concert nina Pops at Martin.

Sikat na sikat noong dekada ’80 ang Penthouse Live. Hindi maituturing na  “made” na ang mga singer kapag hindi pa sila nakakapag-guest sa top rating television show nina Pops at Martin.

                                 

ANTON

DAHIL

LIVE REUNION

PAPA MAR

POPS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with