_ngayon
^

PSN Showbiz

Jennylyn hinamon na ilabas ang picture nila ni Cong. Ronald Singson

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ngayong araw ang alis ni Dennis Trillo kasama ang manager niyang si Popoy Caritativo para daluhan ang Asian TV Awards sa Singapore, dahil nominated siya bilang Best Actor in a Leading Role sa My Husband’s Lover.

Kasama rin si Direk Dominic Zapata na nominado rin sa Best Direction.

Ayaw na raw ni Dennis na mag-expect pa na magka-award. Basta darating lang daw sila para i-enjoy ang naturang awarding na gaganapin na mamayang gabi.

“Natutuwa ako sa fact na napansin ng ibang award-giving bodies sa Asia. Ang pagpunta namin dun ie-enjoy na lang namin, manood lang kami. Kung sakaling suwertehin eh ‘di okay. Kung hindi, okay lang din. Sobrang magandang experience na ‘yun sa amin na nominated kami,” pahayag ni Dennis sa presscon ng Shake, Rattle and Roll XV.

PAK: Hindi na namin nakita sa isang blog ang mga inilabas sa Facebook account ng isang babae na nagki-claim na nagkakaroon sila ng sexual encounter ni Daniel Matsunaga.

Nakarating iyun sa Brapanese model/actor pero dedma siya dahil hindi naman daw totoo ‘yun.

Familiar daw sa kanya ang girl na iyun dahil madalas nga niyang nakikita sa mga events na pinupuntahan niya.

Madalas nga raw na nagpa-picture sa kanya at wala naman daw siyang kamalay-malay na gagamitin iyon sa ibang malisyosong bagay.

Wala raw siyang balak na sitahin iyon sa mga susunod na pagkakataon. Kung sakaling magpa-picture daw sa kanya, okay lang daw, dahil wala naman daw talagang katotohanan sa kanila.

Hindi na nga raw niya binasa ang ganu’ng blog dahil ayaw daw niya ng negativity.

BOOM: Nagulat si Jennylyn Mercado sa lumabas na isyung sila na ng dating Cong. Ronald Singson.

Nakita raw silang magka-date sa Boracay.

Mariing itinatanggi ito ng Kapuso actress. Ipinorward sa amin ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ang text ng actress bilang reaksyon sa naturang intriga.

Sabi ni Jennylyn: “I don’t know him personally. Nakakaloka ‘yan! Hindi ko pa nga siya nakikita.”

Never daw siyang nakipag-date kay Cong. Ro­nald dahil hindi pa nga raw sila naipakilala sa isa’t isa.

“Tingin n’yo po ba may time pa ako para pumunta ng Boracay. Ilabas nila ang picture!” hamon ni Jennylyn sa kung sino man daw ang nagkalat nito.

BECKY AGUILA BEST ACTOR BEST DIRECTION BORACAY DANIEL MATSUNAGA DAW DENNIS TRILLO DIREK DOMINIC ZAPATA JENNYLYN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with