Vigan pasok sa New 7 Wonders!
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2014 - 12:00am

SEEN:   Cancelled ang grand presscon ngayon ng Feng Shui ng Star Cinema dahil sa Typhoon Ruby. Official entry ng Star Cinema ang Feng Shui sa Metro Manila Film Festival 2014.

SCENE: Wagi sa The Amazing Race Philippines-Season 2 ng TV 5 ang real sweethearts na sina Matthew Edwards at Phoebe Walker. Instant millionaire sina Matthew at Phoebe dahil sa mga premyo na kanilang napanalunan. 

SEEN: Ang advisory ng ABS-CBN na kanselado ang Christmas Special na magaganap ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Humingi ng paumanhin ang ABS-CBN sa mga nabigyan ng tickets dahil isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng lahat sa panahon ng kalamidad.

 SCENE: Mapapanood sa darating na Sabado at Linggo ang Christmas Special ng Kapamilya network.

SEEN: Stranded sa Legaspi City ang mga TV news crew na nag-cover ng pananalanta ng Typhoon Ruby sa Albay province. 

SCENE: Ang announcement na kabilang ang Vigan, Ilocos Sur sa New 7 Wonders Cities. Kasali rin sa listahan ang Beirut (Lebanon), Doha (Qatar), Durban (South Africa), Havana (Cuba), Kuala Lumpur (Malaysia), at La Paz (Bolivia).

SEEN: Dinalaw kahapon ng aktor at Manila City Vice Mayor Isko Moreno sa evacuation center ang mga residente ng Baseco compound. 

SCENE: Idineklara ni Mayor Herbert Bautista na walang klase ngayon ang mga school sa Quezon City dahil sa Typhoon Ruby.

 

AMAZING RACE PHILIPPINES-SEASON CHRISTMAS SPECIAL FENG SHUI ILOCOS SUR KUALA LUMPUR LA PAZ STAR CINEMA TYPHOON RUBY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with