Regine at Ariel muling magsasama
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ngayong Disyembre, handog ng GMA ang isang masaya, makulay, at kapana-panabik na Christmas musical special - ang Himig ng Pasko! Tampok sa two-part musical treat na ito ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid kasama ang Kapuso homegrown artist na si Julie Anne San Jose at ang singer-actor na si Ariel Rivera. Matatandaan na huling nagsama sina Regine at Ariel sa drama series ng GMA-7 na Forever in my Heart sampung taon na ang nakararaan.

Kasama rin sa cast ng Himig ng Pasko ang mga Kapuso stars na sina Rita de Guzman, Jeric Gonzales, at Gerald Santos. Tampok din sa nasabing special ang award-winning performer na si Rachel Alejandro at aktor na si Joey Paras.

Ang Himig ng Pasko ay umiikot sa kuwento ng isang OFW na nagbalik-bayan upang tuparin ang kanyang tatlong hiling ngayong Pasko - ang mapala­pit sa anak na nawalay sa kanya, ang buhaying muli ang parol-making business ng kanilang pamilya, at ang maging masaya sa piling ng tanging lalaking inibig niya. 

Bukod sa nakaaantig na kuwento, dapat ding aba­ngan ng mga manonood ang singing showdown ng cast sa Himig ng Pasko.

Mapapanood ang Christmas musical treat na Himig ng Pasko ngayong Disyembre sa GMA.

ANG HIMIG ARIEL RIVERA GERALD SANTOS HIMIG JERIC GONZALES JOEY PARAS JULIE ANNE SAN JOSE KAPUSO PASKO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with