^

PSN Showbiz

Bakasyon engrande nina Heart at Sen. Chiz apektado ng Ruby!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kapansin-pansin ang kulang sa big stars na dumalo sa press conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Tanging si Robin Padilla na bida ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ang dumalo. Ang iba ay mga supporting cast lamang ng ibang entries.

Nadismaya raw ang ilang miyembro ng Executive Committee ng MMFF dahil sa kulang sa kooperasyon ng mga artistang kasali sa naturang filmfest.

Doon na rin in-announce ang pagsisimula ng MMFF ng taong ito sa isang makulay na parada sa December 23 at gaganapin ang awards night sa PICC sa December 27.

Proud din sila na magaganda rin ang labing-anim na indie films na entry sa New Wave Section ng MMFF.

PAK: Dahil sa break-up na naman nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito, nag-post si Andi sa kanyang Instagram (IG) account na nami-miss niya  ang kanyang amang si Mark Gil.

Sa ilang posts nito ay halatang masama ang loob niya sa iba pang nanglalait at kumukumpara sa kanya kay KC del Rosario na nali-link ngayon kay Jake.

May ilang pumupuna sa katabaan daw ni Andi, at mas sexy daw ‘di hamak si KC kesa sa kanya.

Kaya nag-post si Andi sa kanyang IG account ng: “Oh world, there are so many other things to worry about than being fat.”

BOOM: Excited si Heart Evangelista sa nalalapit na bakasyon nila ni Sen. Chiz Escudero sa Amerika kasama ang mga anak nito.

Doon sila magpa-Pasko at ang pagkakaalam namin, sa susunod na linggo na sila aalis.           

Pero nung huling nakausap namin si Heart sa Startalk  kamaka­lawa lang, hindi pa raw niya masasabi kung matutuloy na sila dahil nga sa pagsalanta ng bagyong Ruby sa Sorsogon.

Hindi pa dumaan ang naturang bagyo sa Sorsogon, nag-aalala na si Heart dahil kaaahon lang daw ng bayan ni Sen. Chiz mula sa pananalanta ng bagyong Yolanda ay may panibago na namang bagyo.

Kaya hindi pa niya masasabi kung may mga bagong developments sa balak nilang bakasyon ngayong Pasko.

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG UNANG PANGULO

CHIZ ESCUDERO

EXECUTIVE COMMITTEE

HEART EVANGELISTA

JAKE EJERCITO

KAYA

MARK GIL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with