^

PSN Showbiz

Martin-Eula, komportable agad magkasama

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

First time na magkatambal ang mga kabataang artista ng TV5 na sina Eula Caballero at Martin Escudero sa romantic comedy na mini-series ng WATTPAD PRESENTS Just For a While na magsisimula bukas, Disyembre 8.

Kumusta naman ang working relationship ng dalawa?

Ayon kay Eula tahimik lang si Martin pero makulit. Magaling siyang umarte.

Anang Martin ‘‘Si Eula bukod sa maganda ay energetic dahil hindi siya nakakaramdam ng pagod kahit madaling-araw na.’’

Mas nadadalian silang dalawa sa comedy kaysa sa drama dahil para sa aktor nakaka-drain ang drama at di siya nakakaramdam ng stress kapag nagko-komedi.

Nag-e-enjoy din sa komedi si Eula at para sa kanya ay isa itong challenge at parang naglalaro lang siya sa trabaho.

Iisa ang pangarap nila sa buhay at ito’y makapag-ipon para magkaroon ng sariling bahay. Gusto ni Eula na makabili ng sariling condo unit. May condo na si Martin pero gusto niyang makapagpatayo ng sariling dream house.

Joyce, nakabalik na sa Strawberry Lane

Maraming natutuwang fans dahil nakabalik na sa SL ang magaling na young actress na si Joyce Ching. Ngayon ay buo na naman ang kanilang barkada nina Joanne Marie Tan, Kim Rodriguez at Bea Binene.

Iba na ang karakter ni Joyce matapos siyang mamatay kung saan kahit buhay ay napagkakamalan siyang anak ni Sunshine Dizon.

Umaasa si Joyce na mabigyan ng break bilang  bida ng teleserye someday. Hindi naman kataka-taka ito dahil may ibubuga sa pag-arte ang aktres.

Pasasalamat:

Sa lahat ng tumulong para mapaganda at maging matagumpay ang 2nd Gintong Palad Public Service Awards noong November 29, 2014. Sa aming partner na Rotary Club of Intramuros sa pamumuno ni Architect Avett Garcia, kay Wilson Tieng at mga sponsors. Salamat sa aming performers na sina Miguel Castro at Filipino Pop Tenors, Faith Cuneta at ang host na si John Lapuz.

vuukle comment

ANANG MARTIN

ARCHITECT AVETT GARCIA

BEA BINENE

EULA

FAITH CUNETA

FILIPINO POP TENORS

GINTONG PALAD PUBLIC SERVICE AWARDS

JOANNE MARIE TAN

JOHN LAPUZ

JOYCE CHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with