Carl Guevarra never na raw babalikan si Kris Bernal; Jaclyn Jose si Jake pa rin ang gusto
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2014 - 12:00am

PIK : Masaya si Regine Velasquez-Alcasid sa bagong karangalang natanggap ng Sarap Diva - isa ito sa recipient ng Anak TV Seal.

Ngayong umaga ay ang mag-bestfriends na China Cojuangco at Cacai Bautista ang special guest ni Songbird na kung saan magkakasama silang nag-food trip sa Marikina.

PAK : Mabilis ang iling ni Carl Guevarra nang tanunging namin kung totoong nagkabalikan sila ni Kris Bernal.

Na-maintain lang daw nila ang friendship kaya lumabas daw sila minsan.

Inamin ni Carl na siya ang unang nag-text kay Kris para kumustahin ito. Nagkakuwentuhan daw at nagkayayaang lumabas.

“Wala naman kaming pinag-usapan ng past namin. Basta nangumusta lang.

“Sa akin naman wala na talaga. Pero friends pa rin naman kami,” pahayag ni Carl.

BOOM : Mariing “hindi!” ang sagot ni Jaclyn Jose nang tanungin ito kung boto ba siya kay Bret Jackson na nali-link ngayon sa anak niyang si Andi Eigenmann.

Iyun ang latest na nai-involve kay Andi, pero itinatanggi naman ito ng aktres. Magkakasama lang sila sa pelikulang gagawin sa Viva Films, kaya inili-link silang dalawa.

Vocal si Jaclyn na mas gusto pa rin niya si Jake Ejercito para sa kanyang anak.            

Pero ayaw naman daw ng ina ni Jake kay Andi.

Sabi naman ni Jaclyn, opinyon iyun ni Laarni Enriquez kung ayaw niya kay Andi para kay Jake. Pero gusto raw niya ang binata para sa kanyang anak.

ANDI ANDI EIGENMANN BRET JACKSON CACAI BAUTISTA CARL GUEVARRA CHINA COJUANGCO JACLYN JACLYN JOSE PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with