Yeng at mapapangasawa walang gagastusin kahit isang kusing sa kanilang kasal
Yeng at mapapangasawa walang gagastusin kahit isang kusing sa kanilang kasal
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2014 - 12:00am

Halos wala nang gagastusin sina Yeng Constantino at Victor Asuncion para sa nalalapit nilang kasal. Fully-sponsored na raw ang lahat ng kanilang kakailanganin at gagamitin para sa kanilang pag-iisang dibdib sa February 14, 2015. Sa Tagaytay ga­ganapin ang kasal ng magkasintahan. “’Yung sa kasal, wala kaming ginastos. Everything was just pro­vided by God and sponsors. Talagang sobrang blessed talaga ‘yung wedding namin,” bungad ni Yeng.

Mula sa kanyang wedding gown, reception, at maging ang kanilang honeymoon na gagawin sa Maldives ay naibigay na raw bilang regalo na ng mga taong malalapit sa puso nina Yeng at Victor. Ang iniisip na lamang daw ngayon ng singer at ng kanyang kasintahan ay ang pagbili ng mga gamit para sa kanilang bagong bahay.

“Sobrang I felt na grabe lang ‘yung hands ni God talaga sa relationship namin. He’s been blessing us since the beginning of our relationship. And ayun, na-overwhelm lang talaga ako and ang kaya ko lang gawin is mag-pray at mag-thank you sa Panginoon dahil grabe ‘to,” pagtatapos ni Yeng.    

Luis ayaw magamit sa promo ang relasyon kay Angel

Tinanggihan ni Luis Manzano ang isang pelikulang makakasama niya dapat ang inang si Vilma Santos at ang kasintahang si Angel Locsin. Matagal daw na pinag-isipan ng aktor ang kanyang naging desisyon.

“I really had to decline. Kasi para sa akin, I’ll be working with my mom and my girlfriend, parang masyadong personal naman sa akin ‘yon. Kumbaga, showbiz ako pero hindi ako showbiz. I treasure those relationships. Ang mommy ko nakatrabaho ko na sa In My Life. ‘Yung angle na ‘yun, nagawa ko na. Kung kay Angel, something episodic, okay ako. Pero para sa akin, para ilagay na ang pagkatao ko talaga, kasama ang mommy ko, kasama ang girlfriend ko, kumbaga that is a bit too much on my part,” paliwanag ni Luis.

Ayon sa binata ay hindi raw kaagad naintindihan nina Ate Vi at Angel ang kanyang dahilan kung bakit tinanggihan ang proyekto.

“Alam naman nila ang point ko. Noong una, hindi nila maintindihan. Sabi ko, let’s put it this way, sabi ko, kayo you will be working with one aspect eh, ako dalawa sa buhay ko. Makakasama ko na mapapaglaruan ng tao especially may mga tao na magko-comment at magsasabi na baka sabihin promo ang mga relationships ko sa kanila. ‘Yun ang iniiwasan ko,” giit pa ni Luis. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                             

ANGEL LOCSIN ATE VI IN MY LIFE LUIS LUIS MANZANO SA TAGAYTAY SOBRANG I YENG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with