Ka Freddie nagpa-planong magka-baby?
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2014 - 12:00am

Maganda pala ang young bride ni Ka Freddie Aguilar, kaya hindi na niya ito pinakawalan pa. Sana nga maging maganda ang pagsasama nila. At sana, biya­yaan sila ng anak na lalong magbubuklod sa kanilang dalawa. Nakakasa ba tayong magkakaroon ng sanggol sa tahanan ni Ka Freddie?

Cristine happy sa ipinagbubuntis

Girl pala ang dinadala ni Cristine Reyes sa kanyang sinapupunan. Pero girl ba talaga ang gusto niyang panganay? Ito rin ba ang gusto ng ama ng bata? Aba eh, congratulations sa kanila. Imbitahan n’yo ako sa binyag.

Willie at Direk Joel may rason kaya hindi nakadalo sa Walk of Fame

Paano ko ba hindi tatanggapin ang paliwanag nina Willie Revillame at direk Joel Lamangan sa hindi nila pagsipot sa event ko ng Walk of Fame Philippines? May sakit pala ang TV host na si Willie at si direk Joel naman ay may shooting ng Sugo na hindi niya maiwanan.

Napakalupit ko naman kung ‘di ko tatanggapin ang sorry nila. I’m sure gusto rin nilang makadalo dahil malaking karangalan naman ang matatanggap nila, pero hindi lang talaga umubra. Okay na sa akin ang paliwanag n’yo mga pare ko.

CRISTINE REYES DIREK JOEL JOEL LAMANGAN KA FREDDIE KA FREDDIE AGUILAR WALK OF FAME WALK OF FAME PHILIPPINES WILLIE REVILLAME
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with