Regine nakipag-chorvahan pagkakita sa Hermes bag na Christmas gift ni Ogie
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2014 - 12:00am

Maagang ibinigay ni Ogie Alcasid ang Christmas gift niya kay Regine Velasquez na isang expensive signature bag. Pinost ng Songbird sa I­nstagram (IG)  ang bag na ang hula ng followers niya ay Hermes Birkin bag.

Ang message ni Regine kay Ogie ay “OMG this is my surprise this morning from the most wonderful husband in the world” at “The reveal: Its two tone Ang ganda!!!Thank you baba @ogiealcasid.”  natawa ang followers ni Regine sa hashtag nitong “#chorvahan na ‘to.”

Samantala, sa December 13 na ang first sa two-part Christmas Special na Himig ng Pasko na balik-tambalan nina Regine at Ariel Rivera at ka-love triangle nila si Rachel Alejandro. This Dec. na rin daw ang finals ng Bet ng Bayan at susunod dito ang two-night Valentine’s Day concert next year.

Bianca King in love na in love sa BF na mas bata

For good na ang pananatili sa bansa ng BF ni Bianca King na si Julio Villafuerte at inamin ng aktres na mahirap sa kanila ang long distance relationship dati. One and a half years na ang relasyon ng dalawa, wala silang problema kahit sabi ng aktres, five years younger sa kanya ang nobyo.

Hindi isyu sa kanila ang five years age gap at hindi rin halata dahil six footer ang BF at mature mag-isip. Good influence ito sa kanya, tinuturuan siyang mag-invest ng pera at ito ang kinukunsulta niya pagdating sa Math. Very much in love si Bianca kay Julio, ito lang daw ang taong pumapasok sa isip niya.

Proud sa kanya ang BF dahil hindi lang siya sa showbiz busy. Katulong siya ni Xander Angeles sa bubuksang Runner’s Kitchen Resto na healthy food ang ihahain. Si Bianca ang gumawa ng menu sa resto na ang target customers ay taga-ABS-CBN at GMA-7. Madali itong hanapin dahil nasa Tomas Morato corner E. Rodriguez lang.

Partner din siya sa Beyond Yoga Studio sa Rockwell at may celebrity event sila sa December 18. Marami na raw silang celebrity clients kabilang ang best friend niyang si Rhian Ramos.

Active pa rin sa showbiz si Bianca at after ng Wattpad Presents His Secretary, mapapanood siya sa Mac and Chiz ng TV5 pa rin at sa January 2015 ang airing.

Para ‘di mapuntahan ng mga usisera Bianca at JC sa Palawan ang kasal

Ngayong Thursday, December 4 na pala ang kasal nina JC Intal at Bianca Gonzalez na gagawin sa isang island resort sa El Nido, Palawan. Pamilya lang, immediate relatives, at wedding sponsors ang imbitado sa wedding ceremony.

Babawi sina JC at Bianca sa reception sa Dec. 10 na gagawin sa Smart Araneta Coliseum at sa nabasa namin, 300 ang invited guests ng couple. Ang cute ng invites sa reception na tiket sa Big Dome at para lang manonood ng concert o basketball ang imbitadong guests.

Mahirap puntahan ang venue ng wedding ceremony nina JC at Bianca, mahihirapan ang gustong magmiron kasama ang fans. Hintayin na lang nila ang reception sa Big Dome dahil tiyak na maraming celebrities ang dadalo.

ARIEL RIVERA BEYOND YOGA STUDIO BIANCA BIANCA GONZALEZ BIANCA KING BIG DOME CHRISTMAS SPECIAL EL NIDO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with