^

PSN Showbiz

Nag-try sanang manligaw, Coco naunahan kay Erich

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi nagawang itanggi ni Erich Gonzales ang balak sanang panliligaw sa kanya ni Coco Martin. First time na ma-reveal sa public ang pagkakagusto sa kanya ng aktor. Hindi lang niya maiwasan na pa­bu­laanan ang sinabi ni Kris Aquino sa programa nila ni Boy Abunda na Aquino & Abunda Tonight dahil baka ma-offend ito lalo’t totoo naman ito. Napahinto lamang ang balak sana ni Coco nang makitang may singsing na si Erich. Obviously hindi alam ni Coco na taken na siya. But in fairness to the actor, hindi na nito ipinagpatuloy ang balak niya kay Erich nang malaman niyang may karelasyon na ito.

Inamin ni Erich sa show nina Kris at Boy na maski siya ay inis sa role na ginagampanan niya sa Two Wives. Pero no choice siya, trabaho ‘yun na kailangan niyang gawin.

Kahtryn at Daniel muntik hindi makahabol Walk of Fame ni Kuya Germs inisnab nina Direk Joel Lamangan at Willie Revillame

Sa unang tingin, perfect ang 9th Walk of Fame event ni German “Kuya Germs” Moreno sa Eastwood City. Puno ng tao ang lugar kung saan ay dinala at pinagtipon-tipon ang lahat ng awardees. Surprisingly, behaved ang crowd. Todo-barikada kasi ang security ng Eastwood City.

Tinangkang ilipat ng araw ng mga organizers ang affair to accommodate ‘yung hindi pa dumarating tulad nina Willie Revillame, direktor Joel Lama­ngan, Allan K at ang Power Tandem nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Marami na ang naipit at bulung-bulungan kung darating pa sina Kathryn at Daniel. Pero buti na lang kasama ni Aiko Melendez ang dalawa niyang anak at inaliw ang mga tao. Ganundin si Tony Ferrer na inalalayang mabuti ng tatlo niyang anak. Never umalis sa tabi niya sina Mutya Crisostomo at Maricel Laxa. Mataba si Mutya.

Si Daisy Romualdez, palakad-lakad sa paligid. Si Jaya, pinuntahan ang asawa’t anak at minabuting mag-stay sa resto na malapit sa puwesto ng awardees. Nakita ko na kausap ni Kuya Germs si Liza Macuja-Elizalde habang tahimik sa kanilang mga kinauupuan. Tahimik lang ding nakaupo sina Dante Rivero, Evangeline Pascual, at Chanda Romero kasama ang kanilang pa­milya. Andun din ang napa­kagandang sina Angel Aquino at Vice Ganda.

Sinimulan na ang programa at kainan pero wala pa rin ang mga hinihintay. Sinimulan ang parada kahit wala pa ang iba. May napaiyak at napasigaw, pero happiness ang nangibabaw na emosyon sa lahat.
Pero hindi binigo nina Daniel at Kathryn ang lahat. Bago pa umabot sa dulo ang parada ay nakahabol ang dalawa, ganun din si Allan K. Pero ang teen ro­­­yal­ty lamang ang nakasamang pabalik ni Kuya Germs sa lugar ng pinagsimulan ng parada para bumati sa mga naghihintay nilang fans.

No show talaga sina Willie Revillame at Direk Joel Lamangan. Ewan ko lang kung disappointed si Kuya Germs. Wala namang nabakas na emosyon sa mukha niya sa ‘di pagsipot at pang-iisnab ng dalawa sa event na pinaghihirapan niyang itaguyod.

ALLAN K

DIREK JOEL LAMANGAN

EASTWOOD CITY

ERICH

KUYA GERMS

PERO

SHY

WALK OF FAME

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with