Bashers ni Kim sobrang sisipag!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2014 - 12:00am

Nakakaawa naman itong si Kim Chiu dahil patuloy ang pagbatikos sa kanya. Lubhang napakasisipag ng mga basher niya na puntiryahin siya.

Maaring hindi kasing level ng mga na­­karaang pelikula niya na box office ang Past Tense, pero pinanonood pa rin ito ng marami. ‘Yun nga lang, hindi nila solo ni Xian Lim ang credit sa success ng mo­vie. Kasama nila si AiAi delas Alas.

‘Yung Best Drama Actress award niya, nilalagyan pa ng kulay. Bakit kaya hindi ma­tanggap ng mga kritiko niya na puwede siyang maging best actress, mapa-drama man o comedy? Tsk. Tsk. Tsk.

But going back to the controversy about sa best actress award, ang ganda nilang pagmasdan ni Xian Lim sa Gandang Gabi Vice. It was nice of Xian na turuang mag­gitara at kumanta si Kim. Sino ang makapagsasabi, baka musika rin ang magbuklod sa kanilang dalawa?

Eugene ayaw nang mag-drama

Kung hindi lamang itinuwid ni Eugene Domingo ang diamond ring na regalo sa kanya ni Jose Manalo nu’ng ipagdiwang nila ng ikalawang anibersaryo ng programa nilang Celebrity Bluff na isang friendship ring ay baka paghinalaang engagement ring na nila ‘yun. Dalawang taon nang tinutukso ang dalawa sa isa’t isa dahil sa magandang chemistry ng dalawang host.

Hindi expected ng dalawa na magki-click sila, pero si Uge na rin ang unang nagsabi na appreciated niya ang napakalaking ambag ni Jose sa kanilang show.

“Mahirap magpatawa. It takes a witty person to do that. At meron nu’n si Jose,” pag-amin ng ko­medyana.

Samantala sa kabila ng mala­king disappointment niya sa pagtanggap ng manonood sa kanyang mga ginagawang pelikula, lalo na ang Barber’s Tales ay patuloy pa rin umano siyang gagawa ng mga pelikula. “Mga sitcom na lang muna dahil ayaw ko nang mag-drama,” sabi niya.

Lorna hindi napigilan ng Kapuso

Bumalik na rin pala si Lorna Tolentino sa ABS-CBN. Bago gumawa ng serye sa TV, mauuna munang gawin ni LT ang pelikula na pagbibidahan ng tambalang Daniel Padil­la at Kathryn Bernardo. 

Ba’t kaya hindi pinigilan ng Kapuso Network ang pag-alis ng magaling na aktres gayung nagsimula na silang mangontrata ng mga beterano o senior stars? Isa si LT sa mga senior stars na nakapagbibigay ng 100% performance o baka higit pa.

CELEBRITY BLUFF DANIEL PADIL DRAMA ACTRESS EUGENE DOMINGO GANDANG GABI VICE SHY XIAN LIM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with