^

Pangalan ni Eddie Garcia kinawawa ni Robin sa Bonifacio

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2014 - 12:00am

Seen : Hindi pa nakakalabas ng kulungan si RJ Bautista dahil hindi pumayag ang korte na magpiyansa siya. Si RJ ang suspect sa pagpatay sa kanyang kapatid, ang aktor na si Ramgen Revilla, noong October 2011.

Scene : Hindi nasunod ang oras ng kasal nina Joross Gamboa at Katz Saga noong Sabado dahil naipit sa matinding trapik ang kanilang mga bisita.

Seen :  Stable ang vital signs ni Samboy Lim pero naka-confine pa rin siya sa ICU ng The Medical City, ayon sa kanyang pamilya at doktor. Nag-collapse si Lim sa isang basketball exhibition game noong Biyernes.

Scene : Nagpaalam na si John Prats sa mga executive ng ABS-CBN tungkol sa paglipat niya sa GMA 7 at hindi siya pinigilan.

Seen : Over rated si Ronald “Bunot” Abante, ang Michael Bolton ng Pilipinas na bagong YouTube sensation at  maaga ang press release na pupunta siya sa U.S. para mag-guest sa show ni  Ellen DeGeneres.

Scene : Balik-Pilipinas kahapon si AiAi Delas Alas at ang kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan na nag-celebrate ng 21st birthday sa Japan.

Seen : Si Robin Padilla at ang cast ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo ang special guests sa paggunita sa 151st birth anniversary ni Gat Andres Bonifacio noong Linggo. Ang Bonifacio ang entry ni Robin sa Metro Manila Film Festival 2014.

Scene: Hindi binigyan ng importansya ang billing ng pangalan ni Eddie Garcia sa mga billboard at poster ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo. Nauna pa sa billing ng pangalan ni Eddie ang pangalan ni Jasmine Curtis Smith.

ANG BONIFACIO ANG UNANG PANGULO BONIFACIO DELAS ALAS EDDIE GARCIA GAT ANDRES BONIFACIO GERALD SIBAYAN JASMINE CURTIS SMITH JOHN PRATS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with