_ngayon
^

Kaya pala hindi nainip kahit tengga guwapong actor-singer libang na libang sa loob ng van kasama ang male singer na karelasyon!

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2014 - 12:00am

Ang guwapong actor-singer na kinukuwestiyon ng mga kababayan natin ang gender ang hiniling ng mga kababayan ng isang kilalang pulitiko sa kanilang fiesta.

Ginawan ng paraan ng politician na makuha ang guwapong actor-singer, may kataasan ang kanyang talent fee, pero walang pamimilian ang pulitiko kundi ang pagbigyan ang hiling ng kanyang mga nasasakupan.

May nakatokang bahay para sa mga artistang inimbitahan sa fiesta, pero ayaw bumaba ng guwapong actor-singer, sa van na lang daw siya maghihintay.

Hiyang-hiya sa kanya ang komite ng kapistahan dahil napakatagal pa bago siya tawagin, siya kasi ang pinakahuling kakanta, para hindi mag-alisan ang mga tao sa plaza.

Pero okey lang daw, walang problema, magpapahinga lang daw muna siya sa kanyang sasakyan. Ang kanyang driver ang nakikipag-usap sa mga tagaroon, ito ang hinihingan ng dispensa ng mga namamahala sa show, dahil napakatagal ngang nakatengga ng guwapong actor-singer sa kanyang van.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng malapit na siyang mag-perform, sinabihan na siya ng driver niya para makapag-prepare. Natural lang na magba-brush pa ng hair niya ang guwapong actor-singer, magpapalit ng suot, kaya dapat siyang masabihan agad ng driver niya.

“Siguro, nakalimutan ng actor-singer na maraming nakapaligid sa sasakyan niya, nandu’n ang mga fans na kinikilig sa kanya, kaya nagbukas siya ng ilaw ng van para madaling makita ang isusuot niyang polo.

“’Yun na! May nakitang pamilyar na mukha ang mga fans sa loob ng van. Kaya naman pala okey lang sa actor-singer na maghintay nang super-tagal, e, nandu’n din sa van ang natsitsismis niyang karelasyong male singer, silang dalawa pala ang magkasama, kaya pala nasa labas lang ang driver niya.

“Buking ang mapagpasensiyang actor-singer, hindi niya naitago ang katotohanan na kahit kinabukasan pa pala siya tawagin para mag-perform, e, okey lang, dahil nandu’n naman ang love of his life,” nakataas ang kilay na kuwento ng aming source.

Ubos!

Mommy D desperadang magka-album

Hanggang ngayon pala ay buhay na buhay pa rin ang pangarap ni Mommy Dionisia Pacquiao na maging recording artist. Ang pagsasayaw pala ay exercise lang para sa kanya, pero ang talagang gusto niyang mangyari, ang pagkakaroon ng sarili niyang album.

Mabubuo lang daw ang kanyang pangarap kapag nagkaroon na siya ng album, bata pa raw kasi ang kanyang mga anak ay pagkanta na ang kanyang hilig, siya ang naghehele sa magkakapatid sa pagtulog.

Kumanta na siya nu’n kasama si Imelda Papin, nag-concert pa nga sila, pero ang pinapangarap niya talaga ay ang pagre-recording. Mga Bisaya at Tagalog daw ang gusto niyang mapabilang sa kanyang album.

Nakakaaliw si Mommy Dionisia, ayaw niya talagang magpakabog sa kanyang anak na Pambansang Kamao, kung may pinagkakaabalahan si Pacman ay kailangang meron din siya.

Kuwento ng aming kaibigan na aliw na aliw na nagparetrato sa tabi ni Mommy Dionisia sa Macau, “Napakadali niyang kausap, sa senyas pa lang, pumapayag na siyang magpa-picture taking. Siya pa ang yumayakap sa mga nagpaparetrato sa kanya.

“Kung ibang nanay lang siya ng isang napakasikat na personality, mag-iinarte siya, magpapahabol pa, pero ibang-iba si Mommy Dionisia, napakabait niya,” komento ng aming kaibigan.

At para patunayang walang kaere-ere ang dakilang ina ni Congressman Manny Pacquiao ay nagdagdag pa ng kuwento ang isa naming kaibigan na nakatabi sa upuan ni Mommy Dionisia habang naghihintay sa Venetian Hotel.

“Nagulat ako, may kumakalabit sa akin, may nag-aalok ng pagkain. Magkatalikuran kasi kami sa bench. Pagtingin ko, si Mommy Dionisia pala, kumakain ng kornick!”

Panalo!

ACTOR CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO KANYANG LANG MOMMY DIONISIA NIYA SINGER SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with