^

PSN Showbiz

Jose Manalo at Uge, engaged na?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sakto ang bigay na singsing ni Jose Manalo kay Eugene Domingo sa second anniversary ng programa nilang Celebrity Bluff.

Pero hindi naman daw ‘yun engagement ring ayon kay Jose, simbolo lang ng kanilang friendship.

 “Mura lang naman ‘yung singsing! Mumurahin naman si Uge!” patawa ng komedyante.

Pero hindi talaga siya tinantanan ni Jun Nardo at piniga kung magkano ba talaga ang singsing na ‘yun na sinuot niya pa kay Uge.

“Mura lang ‘yon sa kagaya kong artista! Hindi naman tayo bumibili ng mamahalin,” sundot ni Jose sa press visit sa kanilang programa na napapanood tuwing Sabado.

“Hindi niya ako pinilit. Friendship ring ‘yon.

“Kasi lumalalim na eh, ang friendship! Dalawang taon na rin kami.

“Hayun, pa-ring nang pa-ring. Pina-ring ko naman ang cell phone, ayaw sumagot kaya bumili na ako ng singsing!,” nakakaaliw na mga tsika ni Jose.

At hulugan daw nito itong binili. “Three gives naman ‘yon! Wala namang masama,” sabi ni Jose na natural na natural kung magpatawa kaya talagang maaaliw ka na lang sa kanila ni Uge.

Ilang carats ba ang diamond na ‘yon? Sundot uli ni Jun Nardo sa interview?

 “Diamond pero hindi buo! May crack na! Mahal ‘yung buo. ‘Yung may tabas na!” sagot nito.

At nang tanungin siya kung gaano ba kaseryoso ang ligawan nila or more than friends na sila, sagot ni Jose : “Hindi naman masama ‘yon. Hindi naman siya lugi sa akin! I’m sure ako ang ini-expect niya,” sagot ni Jose na panalo talaga sa kagalingan sa paghirit sa mga ganitong usapan. 

Ang feeling naman ni Uge kaya patok ang loveteam nila ni Jose ay dahil nakaka-relate sa kanila ang masa.

“Hindi kami ‘yung sobrang gaganda na magka-loveteam,” katuwiran ng actress na ayaw nang ma-stress sa paggawa ng serye kaya hanggang Celebrity Bluff muna siya or puwede siya pero sitcom at si Jose pa rin ang ka-partner niya.

Yeng nawala ang pagka-rakista nang ma-in love

Walang-walang bakas ng pagiging rakista si Yeng ­Cons­tantino nang magkaroon ng launching ang kanyang bagong album na  All About Love kahapon.

Iba talaga ang nagagawa pag-in love. At hindi lang basta in love dahil ikakasal na siya. Kaya naman ang aura niya, babaeng maligaya.

Para kay Yeng, na nakatakda nang ikasal sa  Valentine’s Day sa susunod na taon, “labor of love” ang lahat ng tampok na kanta sa album dahil hindi lamang siya ang sumulat ng kanta dito kundi maging ang kanyang mga kaibigan at mismong future husband niya na si Victor Christian “Yan” Asuncion.

May dalawang komposisyon ang Pop-Rock Princess sa kanyang album: ang Dance Without the Music at ang carrier single niyang Ikaw, na no. 1 na at most-viewed local music video sa YouTube na may halos 10 million views.

Samantala, kabilang naman sa mga sinulat ng mapapangasawa niya ay ang Shining Like the Sun (Baby are You Ready), Your Love is My Relief, at What’s Up Ahead.

Ang iba pang love songs na pasok sa All About Love album ay ang Dito Ka Lang sa Tabi, Feels Like, So Beautiful, Ferris Wheel, at Una’t Huling Pag-ibig.

Ito ay mabibili na record bars nationwide sa halagang P350. Maaari na ring ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.

                                                                                             

ALL ABOUT LOVE

CELEBRITY BLUFF

JOSE

JUN NARDO

LOVE

NAMAN

YENG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with