Sunshine maligaya kahit walang lalaki
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2014 - 12:00am

Natupad na rin ang pangarap ni Sunshine Cruz na magkaro’n ng recognition bilang isang aktres. Napanalunan niya ang isa sa major award sa katatapos na Star Awards for TV, ang Single Performance By An Actress para sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya na ginampanan niya. Hindi niya expected na mananalo dahil mabibigat ang mga nakalaban niya tulad nina Nora Aunor, Janice de Belen, Irma Adlawan, Yasmien Kurdi, Gina Pareño, Maricel Soriano, at Carmina V­illaroel. Pero dinagdagan niya ang dasal niya at nagbunga ito ng maganda.

Kailangang-kailangan ni Sunshine ng nasabing award. Patunay ito na karapat-dapat siya sa pagpapalang ibinibigay sa kanya ng Kapamilya Network. Reward din ito ng aktres sa pagsisikap niyang mabigyan ng magandang buhay ang tatlo niyang mga anak na babae na siyang prayoridad ng dating asawa ni Cesar Montano. “Maaring hindi maniwala ang marami, pero happy ako na walang lovelife. Masaya akong kapiling ang mga anak ko at sapat na sa akin ang pagmamahal nila,” pag-amin ni Sunshine.

Meryll inamo na ang ama

Mabuti na lamang at makaraang hindi suporta­han ng ama niyang si Willie Revillame ang kanyang pag-aaral sa London ay binuksan pa rin ni Meryll Soriano ang posibilidad na makatulong sa pagpapatakbo ng mga negosyo ng ama. Pero tulad ng kursong kinuha ng aktres sa London, kailangang paghandaan din ni Meryll ang magandang offer ng kanyang ama. Hindi naman puwedeng sumabak siya agad ng walang paghahanda.

Pormal na pinuntahan ni Meryll ang kanyang ama para dalhan ng kopya ng kanyang photography book na Playground London. Hindi nga makapaniwala si Willie na siya ang gumawa ng libro, pero kita ang pride sa boses nito habang tinatanggap ang regalo niyang lib­ro. Kapag naibenta ni Meryll ang 750 copies nito ay gagawa siyang muli, pero tungkol naman sa ibang mga lungsod na mapupuntahan niya.

CARMINA V CESAR MONTANO GINA PARE IRMA ADLAWAN KAPAMILYA NETWORK MAALAALA MO KAYA MERYLL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with