BF may iniinom na pampagana, Jackie Rice maligayang-maligaya!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2014 - 12:00am

PIK: Isi-celebrate ni Michael Pangilinan ang kanyang 19th birthday sa Music Museum mamayang gabi sa kanyang concert na It’s My Time, Pare concert kasama ang mga special guests niyang sina Jimmy Bondoc, Luke Mejares, JayR, Marion Aunor, at Aljur Abrenica.

The show must go on kay Michael kahit nakaburol pa ang paborito niyang lola.

Dapat ay ngayon na ililibing pero ipinagpaliban na nila dahil hindi naman puwedeng i-cancel ni Michael ang matagal nang naka-schedule niyang concert.

PAK: Pinag-uusapan pa rin ang nakaraang Star Awards for TV dahil sa maraming tanong na tanging mga taga-PMPC (Philippine Movie Press Club) lang ang makasasagot.

May mga halagang lumulutang kung magkano ang involved, pero wala pang sagot dito ang ilang voting members na pinagbibintangang nakatanggap.

Bukod sa 20 thousand pesos per voting member na ibibigay daw ng kampo ng ilang winners, meron pa raw trip abroad na ipinangako?

Malaking bagay daw itong kinita nila sa nakaraang awarding dahil ang iba raw diyan ay may mga babayaran pang hulugan na bahay at kotse.

Kaya dala na rin ng matinding pangangailangan, pikit-matang bumoto kahit hindi karapat-dapat na manalo.

Sana, kinita na lang nila ‘yan sa caroling, bilang magpa-Pasko na!

BOOM: Open na open si Jackie Rice sa relasyon niya sa kanyang non-showbiz boyfriend na kaya raw tumatagal ang kanilang relasyon ay dahil sa isang supplementary na tini-take ng isang lalaki para maging maganda ang pakikipagtalik sa kanyang partner.

Ini-launch si Jackie ng ATC Healthcare kahapon bilang endorser ng Robust na tini-take ng isang lalaki.

Sabi ni Jackie, kaya raw inabot ng six years ang relasyon nila ng kanyang boyfriend ay dahil sa Robust na tini-take nito.

Hindi ikinakaila ni Jackie na maganda ang sex life nila ng kanyang boyfriend. Pero hindi naman daw sila nagli-live in.

Hindi pa raw nila pinag-uusapan ang kasal, pero sabi ni Jackie, sana ito na raw ang huling lalaking makakasama niya forever.

ALJUR ABRENICA JACKIE RICE JIMMY BONDOC LUKE MEJARES MARION AUNOR MICHAEL PANGILINAN MUSIC MUSEUM MY TIME PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with