Gov. Vi gusto na rin maging producer
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2014 - 12:00am

Makakasama raw ni Angel Locsin si Governor Vilma Santos sa pelikulang Darna na gagawin niya. Wala namang problema kay Ate Vi kung sakaling matutuloy ito. “Hindi ko pa alam, pero kung hihilingan ni Angel, okay lang. Si Angel pa,” bungad ni Ate Vi. “Pero hindi naka-Darna costume ha! Utang na loob ha. Excuse me,” natatawang dagdag pa ng aktres.

Hinahanap-hanap na raw talaga ni Ate Vi ang paggawa ng pelikula pero sobrang abala niya bilang pulitiko. “Nami-miss kong gumawa ng pelikula talaga. ‘Pag nanonood ako parang, ‘Ako dapat ‘yan!’ Naiinggit ba, para bang, ‘Kaya ko ‘yan eh!’ May i­nggit,” pagtatapat ni Ate Vi.

Marami nang natanggihang proyekto ang Gobernadora ng Batangas dahil hindi na niya talaga ito kayang pagsabayin. “Maski ‘yung mga indie films. Hindi ko magawa eh. Kasi nga pagod din ako sa trabaho ko sa Batangas. Noon ko nga nakita eh, akala ko ako si Darna eh, iyon pala hindi, nambabawi rin. Lahat kayo nagtatanong, ‘Saan n’yo kinukuha ‘yung energy? Bakit ang sigla mo?’ Naniningil din, nani­ningil din,” pagbabahagi ni Ate Vi.

Samantala, matagal na ring pinag-uusapan ang balak daw na pagtakbo ng actress-politician para sa mas mataas na posisyon sa dara­ting na 2016 national elections. “Kung halimbawang hindi ako matuloy tumakbo, I want to do films. I want to produce, puwedeng indie. Iyong pagiging artist mo, gusto mong ilabas ‘di ba? But that doesn’t mean hindi ako nagpapasalamat sa tiwalang ­ibinibigay sa akin. Again, I just don’t want to promise anything ‘pag hindi ko po kayang magawa. I’m praying for it at kung saan ako dalhin ng Panginoon, I’ll just do my best, ­whether I’ll run or I may not run,” pagtatapos niya.

Isabelle magpapaka-aktres kaya lumipat sa Kapamilya

Certified Kapamilya Star na rin si Isabelle Daza dahil noong Lunes ay pumirma na ng kontrata ang aktres sa ABS-CBN. “Well I’m happy na exclusive siya sa ABS-CBN and it’s for TV and movie. Napaka-excited ko and overwhelmed with this warm welcome,” nakangiting pahayag ni Isabelle. Makakasama ang aktres sa teleseryeng Nathaniel na pagbibidahan nina Gerald Anderson at Shaina Magdayao. “Ako’y parang girlfriend ni Gerald and ako ay isang lawyer and I also work closely with his mom Coney Reyes. So kami ‘yung magkakatrabaho lagi, magkaka-eksena,” pagdedetalye ng dalaga.

Bakit naman kaya naisipan ni Isabelle na lumipat sa bakuran ng ABS-CBN? “I wanted a new challenge in my life, and I wanted to try something I haven’t done. I wanted to expand my horizons and take this journey as an actress naman,” giit ni Isabelle.                                                

Reports from JAMES C. CANTOS

AKO ANGEL LOCSIN ATE VI BAKIT BATANGAS CERTIFIED KAPAMILYA STAR CONEY REYES DARNA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with