Mama Vi excited sa bakasyon sa kapitolyo para makasama si Angel
Mama Vi excited sa bakasyon sa kapitolyo para makasama si Angel
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2014 - 12:00am

Blockbuster ang presscon kahapon ng Ala Eh! Festival ng Batangas province dahil sa presence ni Governor Vilma Santos-Recto.

In full force na dumating ang mga miyembro ng entertainment press dahil ang presscon ng Ala Eh! ang bihirang pagkakataon na makakasama at makakausap nila ang Star for All Seasons.

Ang presscon ng Ala Eh! ang first time na nagpakita si Mama Vi sa media mula nang magkaroon siya ng karamdaman.

Hindi naman grabe ang naging sakit ni Mama Vi dahil resulta lang ito ng stress na epekto ng pagiging workaholic niya.

Siyempre, ipinagluksa rin ni Mama Vi ang sudden demise ni Aida Fandialan, ang kanyang trusted aide.

Pabalik si Mama Vi sa Pilipinas mula sa London nang bawian ng buhay si Aida. Nang bumaba siya mula sa eroplano at binuksan niya ang kanyang cell phone, saka nabasa ni Mama Vi ang mga pakikiramay sa kanya dahil sa pagpanaw ni Mama Aida.

Shocked na shocked si Mama Vi dahil hoping siya na makaka-survive si Mama Aida.

Anyway, nagpapasalamat si Mama Vi kay Mama Aida dahil sa mahabang panahon na friendship nila. Twenty four years old pa lang si Mama Vi nang makasama niya si Mama Aida na nakatira rin sa kanyang bahay.

Magsisimula sa December 1 at matatapos sa December 8 ang Ala Eh! Festival na magaganap sa bayan ng Taal, Batangas.

Mga produkto at pagkain sa Batangas ang mabibili ng mga nagbabalak na maki-join sa Ala Eh!.

Magkakaroon din ng beauty contest, ang Miss Batangas 2014 at singing contest na open para sa lahat ng mga residente ng Batangas province.

Iniimbitahan ni Mama Vi ang lahat na tangkilikin ang Ala Eh! at dalawin ang Taal para makita nila ang isa sa mga historical town ng Batangas.

Maraming inihanda na activities ang administrasyon ni Mama Vi para maging successful ang Ala Eh!

Ayaw pa ni Mama Vi na pag-usapan ang 2016 Elections dahil mas gusto niya na makagawa ng pelikula.

Kasado na ang movie project ni Mama Vi sa Star Cinema at co-star niya ang kanyang future daughter-in-law na si Angel Locsin.

Hindi pa sinabi ni Mama Vi ang title ng pelikula na posibleng ipalabas sa mga sinehan sa May 2015.

May summer break si Mama Vi bilang gobernador at ang shooting ng pelikula nila ni Angel ang aasikasuhin niya sa kanyang bakasyon para walang conflict sa kanyang mga responsibilidad sa lalawigan ng Batangas.

Natawa si Mama Vi sa question tungkol sa kanyang anak na si Luis Manzano at kay Angel.

May nagtanong kasi sa magiging reaksyon niya kapag nag-propose ng kasal si Luis kay Angel sa Ala Eh! Festival.

Talagang nakahanap ang reporter ng koneksyon sa relasyon ng dalawa sa Ala Eh! Festival at kung ako man ang nasa lugar ni Mama Vi, matatawa rin ako.

Kilalang-kilala ni Mama Vi si Luis. Very private ang kanyang anak at hindi ang tipo nito ang mag-aalok ng kasal sa harap ng maraming tao, lalo na sa isang festival na kagaya ng Ala Eh!

Masayahin, palabiro, at malakas ang sense of humor ni Luis sa harap ng mga kamera pero sa tunay na buhay, seryoso at very responsible siya na tao. Malabung-malabo na mag-propose siya kay Angel ng engagement o kasal  sa isang public event.

AIDA FANDIALAN ALA ALA EH BATANGAS KANYANG LUIS MAMA MAMA AIDA MAMA VI
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with