^

PSN Showbiz

BB nagtangga sa birthday ni Robin! Kalaban ni Manny may plano na agad na victory party!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Mapapanood ngayong gabi sa Talentadong Pinoy ang surprise birthday celebration para kay Robin Padilla. Bukas, November 23, ang 45th birthday ni Robin.

SCENE: Judge ngayong gabi sa Talentadong Pinoy si Claudine Barretto. Ipinagtapat ni Talentadong Pinoy host Mariel Rodriguez na fan siya ni Claudine at ito ang dahilan kaya pinasok niya ang showbiz. Nag-request agad si Mariel ng photo op kay Claudine nang magkita sila sa studio ng Talentadong Pinoy.

SEEN: Bagong “Tangga Queen” ang tukso kay BB Gandang­hari dahil sa kanyang walang takot na pagsusuot ng tangga sa surprise aerial dance number niya para kay Robin Padilla.

SEEN: Nagplano na ng victory party ang grupo ni Chris Algieri kahit bukas pa ang laban nila sa boxing ni Manny Pacquiao sa Venetian Hotel, Macau.

SCENE: Hindi pa natutuloy ang bridal shower nina Lovi Poe at Solenn Heussaff para kay Heart Evangelista.  Hindi pa nila alam kung kailan ito matutuloy.

SEEN: Ang panawagan ni TV5 News & Current Affairs Chief Luchi Cruz-Valdez at ng Kapatid Network na makiisa ang lahat sa paggunita bukas, November 23, sa ikalimang taon na anibersaryo ng Maguindanao Massacre sa pamamagitan ng pagdarasal at pagtitirik ng kandila sa ganap na ika-anim ng gabi (6:00 p.m.)  para sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen.

SCENE: Ang baby shower para kay Ara Mina sa isang organic res­taurant sa The Fort na dinaluhan nina Jamie Rive­ra, Patricia Javier. Kasama ni Ara ang kanyang boyfriend na si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan.

ARA MINA

BULACAN

CHRIS ALGIERI

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CURRENT AFFAIRS

ROBIN PADILLA

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with