Asawa ni Jolina, fan ni Marvin
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2014 - 12:00am

Kung kinagat noon ang Annaliza at Flordeluna tiyak na tatangkilikin ng mga manonood ang bagong obrang pantelebisyon ng ABS-CBN na Flordeliza. Tatampukan ito ng nagbabalik-tambalang sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Ang serye ay kuwento ng dalawang pamilya na na­ka­sentro sa dalawang nanay at dalawang bata na pag­bubuklurin ng pagmamahal ng isang malungkot na katotohanan.

Ayon kay Jolens, kung noon ay puro pa-sweet lang sila ni Marvin ngayon ay mas may lalim na ang kanilang akting.

May love scene sina Jolens at Marvin. Hindi kaya magse­los ang asawa ng aktres na si Mark Escueta?

‘‘Naku, mas excited pa nga ang aking asawa nang malamang magtatambal uli kami ni Marvin. Sa totoo lang po, fan na fan siya ng aming tambalan at paborito din niya si Marvin kaya wala pong selos factor,’’ sey nito.

Mga artista ng SL, napaluha sa mga problema ng mga kabataan ngayon

Memorable sa mga artista ng Strawberry Lane ang pagdalaw nila kamakailan sa Children’s Legal Right and Development Center.

Nagkaroon ng sharing at ‘di naiwasan ng mga teen stars na sina Bea Binene, Jake Vargas, Rita de Guzman, Kim Rodriguez, Kiko Estrada at Jhoa­na Marie Tan na maluha. Naging emosyonal ang mga ito dahil tumama sa kanilang puso ang na­ra­­­ranasan ng mga kabataan na nalihis ng landas. Naka-relate ang mga young stars dahil ganito rin ang pinagdaraanan nila sa ginagampanan karakter sa serye ng GMA 7.

BEA BINENE JAKE VARGAS JOLENS JOLINA MAGDANGAL KIKO ESTRADA KIM RODRIGUEZ MARVIN SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with