_ngayon
^

Mother roles ayaw na rin: Iza gustong bumalik sa GMA?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2014 - 12:00am

PIK: Ang GMA Primetime King na si Dingdong Dantes ang magbubukas ng Sunday All Stars mamayang hapon.

May kilig-kiligang number din ang magka-love­team na Elmo Magalona at Janine Gutierrez para sa pagsisimula ng bagong drama series nilang More Than Words bukas.

PAK: Pagkatapos ng Hawak Kamay ay itutuloy daw ni Iza Calzado ang acting workshop na papasukan niya sa Amerika.

Matatapos na kasi ang kontrata ni Iza sa ABS-CBN sa January 2015 at umaasa naman siyang iri-renew ito ng Kapamilya network.

Hoping din si Iza ng mas challenging roles ang ibibigay sa kanya at hindi na mother roles.

Type naman ni Iza na makagawa ng ibang role na gustung-gusto niyang gawin sa TV bago niya mapagdesisyunang magpakasal sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Ben Wintle.

Pero open naman si Iza sa posibilidad na bumalik sa GMA dahil nandiyan pa rin ang magandang relasyon niya sa mga nakatrabaho at kaibigan niya sa Kapuso network.

BOOM: Unti-unti nang naging open si Vic Sotto sa mga plano nila ni Pauleen Luna.

May bagong endorsement siya na real estate at inamin naman niya sa movie press na kung ma­bibigyan siya ng mga condo units ay isa roon ay ilalaan niya para sa partner niya na si Pauleen nga ang tinutukoy niya.

Pero alam naming hindi lang condo ang gustong ibigay ni Bossing Vic para kay Pauleen kung sakaling matuloy na sa kasalan.

Totoo bang meron na raw talaga silang pinaghahandaang lupa’t bahay na malamang aaminin naman nila ito sa susunod na taon?

BEN WINTLE BOSSING VIC DINGDONG DANTES ELMO MAGALONA HAWAK KAMAY IZA IZA CALZADO JANINE GUTIERREZ NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with