Indie direktor grabeng manlait ng tabloid writers; Concert ni Julie Anne kulang sa ingay; Kris di nakilala ang first lady ng Mexico

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2014 - 12:00am

SEEN: Ang mababa na pagtingin sa tabloid writers ng indie director na si Auraeus Solito aka Kanakan Balintagos na pinagsabihan ang isang entertainment writer ng ““You are a tabloid writer lang pala. Goodbye! Ang cheap mo pala! My friend got repulsed with your article!”

SCENE : Si Auraeus Solito ang direktor ng award-winning movie na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros at ng Esprit de Corps, ang pelikula na may frontal nudity scene, kahit hindi kailangan. Kawawa ang baguhang aktor na biktima ng exploitation ni Solito na gumamit ng alias na Kanakan Balintagos sa Esprit de Corps.

SEEN: Tinangkilik noon ng publiko ang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros dahil sa good reviews ng tabloid writers na ni minsan, hindi nakatikim ng pasasalamat mula kay Auraeus Solito na ipinakita na mas cheap siya dahil sa kanyang walang modo na pagsasalita

SCENE: Respetadong TV news reporter ng ABS-CBN si Ryan Chua. Hindi tama na idamay si Ryan sa mga komento tungkol sa kumakalat na nude pictures ng kanyang boyfriend na si Sebastian Castro na may brief appearance sa Moron 5.2 The Transformation.

SCENE: Korean couple ang peg nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang identical outfit nang dumalo sila sa birthday celebration ni Rowell Santiago.

SEEN: Kulang sa ingay ang major concert ni Julie Anne San Jose sa MOA Arena sa December 13.

SCENE : Si Kris Aquino ang nag-represent kay P-Noy at humarap kay President Enrique Nieto ng Mexico nang mag-refuel ang eroplano ng Mexican president sa NAIA noong Huwebes ng gabi. Hindi nakilala ni Kris nang personal ang First Lady ng Mexico, ang former actress na si Angelica Rivera na masama ang pakiramdam kaya hindi bumaba ng eroplano.

ANG PAGDADALAGA ANGELICA RIVERA AURAEUS SOLITO ENRIQUE NIETO FIRST LADY JULIE ANNE SAN JOSE KANAKAN BALINTAGOS KRIS AQUINO MAXIMO OLIVEROS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with