Iñigo mas mabilis sa babae kesa sa kanyang Papa Piolo
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2014 - 12:00am

Ang bilis naman ng anak ni Papa P (Piolo Pascual) na si Iñigo  Pascual. M.U. as in may “mutual un­derstanding” na pala sila ni Sofia Andres, ang ka­pareha niya sa Relaks, It’s Just Pag-ibig. Aprub kaya rito si Papa P. O baka naman wala lang siyang choice. I think it’s too soon, baka makaapekto ito sa kanilang mga career, ang babata pa nila!

Mukha yatang pagdating sa love, napakabibilis ng mga lalaking artista ng Relaks. ‘Di ba inamin din ni Julian Estrada na naging girlfriend niya for six months si Julia Barretto?

Sana nga maka-inspire kay Iñigo ang kanyang young lovelife.

Jennylyn binuksan na uli ang puso

Kasabay ng pagtatagumpay ng career ni Jennylyn Mercado ang pag-unlad ng kanyang kabuha­yan. Bukod sa pagtatapos ng ipinagagawa ni­yang ba­hay ay ang pagsubok niyang mag-try muli na pu­­masok sa isang relasyon. Nasa stage na siya ng pakikipag-date ng guy na sinubukan niyang papa­sukin sa kanyang buhay at hoping siya na sana ay mabigyan siya ng pagkakataon na maging masaya uli. She deserves it, she has been a good girl.

JENNYLYN MERCADO JULIA BARRETTO JULIAN ESTRADA JUST PAG PAPA P PIOLO PASCUAL SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with