^

PSN Showbiz

Big scandal na sasabog, hindi pa rin makumpirma

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa blind item ko na big scandal na kinasasangkutan ng mga popular personality.

Malinaw ang report ko na tsismis ang nasagap ko. Kapag sinabi na tsismis, walang kumpirmasyon. Puwedeng totoo, puwedeng hindi.

Sa mga nangungulit sa akin sa identities ng mga sangkot sa blind item ko, wait and see na lang muna kayo. Kapag pumutok ang balita at nakumpirma na totoo, ako mismo ang magbibigay ng mga update.

One-carat diamond engagement ring ni MJ susunod kong iimbestigahan

Ikinatuwa ko talaga ang engagement ng mga TV news reporter na sina Oscar Oida ng GMA 7 at ni MJ Marfori ng TV5.

Sa tuwing nagkikita kami ni MJ sa mga presscon, alaga ko na tuksuhin siya tungkol sa relasyon nila ni Oscar.

Tumatawa lang si MJ kapag kinukulit ko pero feel na feel ko na kinikilig siya kapag binabanggit ko ang name ng kanyang dyowa.

Mapapanood sa YouTube ang video ng proposal ni Oscar kay MJ sa Bow Bridge sa Central Park. Si Oscar ang nag-upload sa YouTube ng video at sure ako na kinilig na naman si MJ sa caption na inilagay ng kanyang future husband. Kinilig din ako sa mga isinulat ni Oscar na lumabas ang pagiging hopeless romantic.

“I used to think an engagement is merely a formality. But it’s different when you experience it. I was nervous and excited. I didn’t mind the passersby. My focus was on MJ. It was like a dream sequence. She’s not the cheesy type, so when I saw her crying, I fell in love with her all the more. I gave her a white gold, one-carat diamond ring, which is as clear as our love for one another.”

Kapag nagkita uli kami ni MJ, ang one-carat diamond ring na ibinigay ni Oscar ang iimbestigahan ko.

May mga hindi nakakaalam na may Romualdez blood si MJ at kamag-anak niya si Mrs. Imelda Marcos.

Tiyo ni MJ si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, ang mister ni Cristina Gonzales. Nag-picture taking ang tatlo nang magkita sila sa presscon na ginanap noon sa restaurant nina Alfred at Cristina sa Intramuros, Manila.

Unang apo ni LT Jr na Jr niya

Kahapon ang 3rd birthday ni Tori, ang first apo ni Lorna Tolentino. Junior ni LT si Tori dahil Victoria rin ang tunay na pangalan ng bagets.

Hindi ako sure kung natuloy ang plano ni LT na magbakasyon sa Bangkok kasama ang kanyang apo.

Si Tori ang panganay ni Rap Fernandez na panganay naman nina LT at Rudy Fernandez.

Mahirap makalimutan ang birthday ni Tori dahil ipinanganak siya noong November 11, 2011 (11-11-11). Kung nabubuhay si Rudy, tiyak na magiliw na magiliw siya kay Tori na sobrang cute at bibo. Carbon copy si Tori ng kanyang ama na regular na napapanood sa Hiram na Alaala ng GMA 7.

BOW BRIDGE

CENTRAL PARK

CRISTINA GONZALES

KAPAG

LORNA TOLENTINO

MRS. IMELDA MARCOS

OSCAR OIDA

RAP FERNANDEZ

RUDY FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with