Serye ni Jennylyn sa 2015 na eere, pinaurong ng management
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2014 - 12:00am

PIK : Na-move ang airing ng bagong drama series ng GMA 7 na Second Chances dahil sa laki ng production cost nito.

Na-impress daw ang mga executive sa mga unang episode na nagawa nila, kaya napagdesisyunan ng management na gawing opening salvo sa 2015 ang naturang serye ng GMA Telebabad.

Tinatampukan nina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Rafael Rosell, at Camille Prats ang Second Chances na dinidirek ni Laurice Guillen.

PAK : Hindi na itinatago ni AiAi delas Alas ang 20-year old boyfriend niyang si Gerald Sibayan, pero hindi lang niya pinapa-interview sa movie press dahil mas mabuting tahimik na lang daw.

“Patahimikin na lang natin ang buhay niya,” pahayag ng box-office queen sa kanyang 1st AiAi Badminton Cup na ginanap sa Asuncion Badminton sa San Juan nung nakaraang Sabado.                       

Hindi na raw sila apektado sa mga pumupunang malaki ang agwat ng kanilang edad. Ang mahalaga masaya sila at walang pressure raw ang kanilang relasyon.

Sabi ni AiAi, wala naman daw sa edad ang kanilang relasyon.

BOOM : Kahit naka-detain si Sen. Jinggoy Estrada sa Camp Crame, all-out ang suporta niya sa pelikula ng anak niyang si Julian Estrada.

Pinayuhan ni Sen. Jinggoy si Julian na ayusin kay Julia Barretto ang ginawa nitong pag-amin sa anim na buwan nilang relasyon.

Hindi naman kasi showbiz si Julian at sabi nga ng kanyang inang si Precy Ejercito, hindi niya tinuruang magsinungaling ang mga anak niya.

Kaya sa halip na bawiin ni Julian ang pag-amin niya tungkol sa naging relasyon nila noon ni Julia, humingi ito ng paumanhin dahil nadamay pa si Julia sa promo ng pelikula niyang Relax It’s Just Pag-ibig.

 

ASUNCION BADMINTON BADMINTON CUP CAMILLE PRATS CAMP CRAME GERALD SIBAYAN JENNYLYN MERCADO JINGGOY ESTRADA JULIA SECOND CHANCES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with