Namumulot na lang ng mga pitsa para may pantaya at napabayaan na ang sarili dating sexy star na katunog ng kotse ang apelyido lulong na lulong sa sugal
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2014 - 12:00am

Napakapamilyar nang pigura sa isang lugar na maingay, mausok, at punumpuno ng mga sugarol ang isang dating sexy star na nagpabaya na sa kanyang buhay.

Dating karelasyon ng isang aktor ang dating sexy star na ito, nagkaroon sila ng anak, hanggang sa isang araw ay sumuko na rin ang lalaki dahil ayaw magbago ng babae.

Araw-gabi siyang nagsusugal. Kung minsan ay tatlong araw siyang nagbababad sa sugalan, maliligo lang siya at iidlip, pagkatapos ay balik na uli siya sa kanyang bisyo.

Palaging talo ang sexy star, manalo man siya paminsan-minsan ay mas nakalalamang pa rin ang kanyang pagkatalo, kaya madalas siyang makikita ngayon na nakatanghod sa tabi ng mga sugarol para makapanghingi siya ng puhunan sa paglalaro.

Lulong na lulong na sa sugal ang babaeng personalidad, may mga nagdududa nga na ginagamit na niya ang kanyang katawan para lang siya magkapera, hindi imposibleng nangyayari na ngang matagal ang ganu’n.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsan, e, may inginuso ang mga utility ng casino, tingnan daw namin kung sino ang babaeng ‘yun na sumusuot sa ilalim ng mga makina dahil nagbabaka-sakaling makapulot ng mga pitsa.

“Nu’ng mag-angat siya ng ulo, si ____(pangalan ng dating sexy star na Inglisera) nga! Nakasabog ang buhok niya, mukhang hindi na siya naliligo, dumating na siya sa puntong namumulot na lang siya ng mga pitsang puwede niyang ipangtaya.

“Kinaiinisan na pala kasi siya ng mga players, malas ang tawag sa kanya ng mga manunugal, kasi nga, palagi siyang nakabantay sa mga naglalaro para makapanghingi siya ng balato.

“E, ayaw na ayaw ng mga sugarol ng ganu’n, natatalo sila, minamalas, kaya pinaaalis siya palagi sa paligid. Sa kawalan niya ng pagkukunan ng ipangbibisyo niya, pasuut-suot na lang siya sa mga ilalim ng makina, baka nga naman kasi may mga naghuhulog na pitsa du’n!” kuwento ng aming source.

Napakadaling hulaan kung sino ang dating sexy star na ito na alipin na ng sugal, katunog ng apelyido niya ang isang kotseng kuba ang istilo, siya na ‘yun!

Mommy Elaine mapayapang paglalakbay…

Ngayon na ang paghahatid sa huling hantungan kay Mommy Elaine Gamboa Cuneta. Hahagulgol si Sharon Cuneta, tatangis ang kanyang anak na si KC, makikidalamhati sa kanilang pamilya ang buong industriya.

Isa sa mga minahal ng showbiz si Mommy Elaine dahil marunong siyang magpahalaga sa maliliit lang namang tulong na nagagawa ng mga manunulat para sa kanyang anak.

Mula nu’ng dalaga pa si Sharon hanggang sa makapag-asawa na at magkaroon ng mga anak ay si Mommy Elaine ang namamahala sa kanyang mga pangregalo sa media kapag dumarating ang Pasko.

Matinding paggabay ang ibinigay niya sa karera ng Megastar, hindi niya pinakawawalan ang anumang show-concert ng kanyang anak dito at sa ibang bansa man, nu’ng kaya pa niyang bumiyahe.

Napakalaking kawalan para kay Sharon ang pagpanaw ni Mommy Elaine, ulilang-lubos na ngayon ang aktres, wala nang makikinig sa kanyang mga kuwento lalo na kapag may mga umaatake sa kanya.

Gusto naming ipabaon kay Mommy Elaine Cuneta ang pagpapasalamat sa kanyang kabutihan nu’ng kami’y baguhang manunulat pa lang. Siya na mismo ang nagsabi na kapag minahal mo ang kanyang bunso ay mas mamahalin ka niya.

Isang mapayapang paglalakbay para sa isang inang minahal ng lokal na aliwan.

ISANG KANYANG MOMMY ELAINE MOMMY ELAINE CUNETA MOMMY ELAINE GAMBOA CUNETA NIYA SHARON CUNETA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with