Suspendidong OMB chair na si Ronnie Ricketts balik-acting sa ABS-CBN
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2014 - 12:00am

SEEN : Balik-showbiz si suspended OMB Chair Ronnie Ricketts. Kasama si Ronnie sa cast ng Dream Dad, ang primetime teleserye ng ABS-CBN na papalit sa Hawak-Kamay.

SCENE : Ang pustahan na sunud-sunod ang TV interviews at guestings ni Maegan Aguilar dahil sa pambubugbog sa kanya ng live in partner at ganito ang ginawa niya noong magkaroon sila ng alitan ni Freddie Aguilar.

SEEN : Apektado ang fans ni Daniel Padilla sa hindi pagpasa ni Karla Estrada sa blind auditions ng The Voice of the Philippines. Hindi mahusay na aktres si Karla pero marunong siyang kumanta.

SCENE : Malapit nang magbukas ang branch sa SM Southmall ng The Happy Barn Milkshake Factory, ang negosyo na pinagkakaabalahan ni Jodi Sta. Maria at ng kanyang mga business partner.

SEEN : Mabagal ang serbisyo sa Gateway Mall branch ng Japanese restaurant na pag-aari ni Marvin Agustin at ng kanyang mga kasosyo.

SEEN : Ang tula ng pamamaalam ni Sharon Cuneta sa kanyang ina na si Mrs. Elaine Cuneta na ihahatid ngayon sa huling hantungan sa Manila Memorial Park:

I look and out of the corner of my eye for a moment if its you I see

I close my eyes and for a moment I feel you again standing beside me

When my heart realized that it could not be

For a moment the grief overwhelms me

My soul longs for what used to be when you were still with me

Death has taken you but neither time nor death can take away our love and memories

We live for a moment and when my journey ends we will be together again not just for a moment but for eternity.

 

CHAIR RONNIE RICKETTS DANIEL PADILLA DREAM DAD FREDDIE AGUILAR GATEWAY MALL HAPPY BARN MILKSHAKE FACTORY JODI STA KARLA ESTRADA MAEGAN AGUILAR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with