Gov. Vi nai-stress sa mga offer ng iba’t ibang partido na kumandidatong bise presidente?!
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2014 - 12:00am

Kung kailan naman siya patapos sa kanyang termino bilang gobernador at saka naman nagiging masakitin ni Gob. Vilma Santos. Baka naman na-stress na ito dahil hangang ngayon  ‘di pa niya alam kung ano ang tatakbuhin niyang kasunod, at kung sino ang sasamahan niya. Ang dami kasi niyang alok. Paano alam nilang mabuti siyang public servant, honest pa kaya nag-uunahan ang mga partidong kunin siya.

Easy lang, Gob. Gumawa ka na lang kaya muna ng pelikula. Para ma-relax ka. Nakaka-relax ang trabaho sa showbiz ‘di ba? Baka naman nami-miss mo lang ito.

Mommy Elaine malaking kawalan

Nakikiramay ako sa pamilya ng aking ‘anak’ na si Sharon Cuneta sa pagkamatay ng kanyang butihing ina na si Mommy Elaine Cuneta. Nang huli kong makita ang lola ng inaanak kong si KC Concepcion ay akala ko ay tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling. Kaya nagulat ako sa nabasa kong text ni KC sa social media.

Alam kong malaki ang kawalan ng yumao sa kanyang pamilya  kaya nakikiisa ako sa kanilang pagdadalamhati. May she rest in  peace.

Richard inunahan na ni Jewel na pakasal

Matapos ang episode nila ni Richard Gutierrez, masayang papasok sa buhay may asawa ang ex niyang si Jewel Mische. Hindi marahil palad ni Jewel na mamalagi sa showbiz. 

Si Richard kaya kailan naman ikakasal kay Sarah Lahbati?

ALAM JEWEL MISCHE MOMMY ELAINE MOMMY ELAINE CUNETA RICHARD GUTIERREZ SARAH LAHBATI SHARON CUNETA SI RICHARD VILMA SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with