_ngayon
^

PSN Showbiz

Concert nina Jaya at Lani Misalucha nilalangaw daw ang bentahan ng ticket

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang masyadong ingay ang concert ng dalawang diva na sina Lani Misalucha at Jaya.

Mauuna si Jaya sa November 10 sa So­laire Ballroom na celebration ng kanyang 25 anniversary at si Lani Misalucha ay noon pa sanang October 17 pero naurong ito ng De­cember 6.

At ang rason daw sa pag-urong ay para magkaroon ng time na mai-promote. Mahina raw kasi ang usad ng ticket sales kaya hindi ito itinuloy last month.

Anyway, baka nga nalipasan na rin ng panahon ang dalawang diva na dekada na ang binibilang bilang mga singer.

ABS-CBN humakot ng parangal sa 36TH CMMA

Humakot ang ABS-CBN ng 15 parangal sa katatapos na 36th Catholic Mass Media Awards (CMMA) kamakailan.

Nagwagi sila ng siyam na parangal sa kategorya ng telebisyon kabilang na ang Best Station ID para sa Masayang Muli Ang Kwento Ng Summer, Best TV Special para sa Yolanda, Best Public Service Prog­ram para sa Failon Ngayon, Best Children and Youth Program para Matanglawin, Best Drama Series para sa Be Careful With My Heart, at Best Talk Show para sa Up Close and Personal: A Korina Sanchez Interview ng ABS-CBN News Channel (ANC).

Kinilala naman sa pamamagitan ng special citations ang Honesto at My Little Juan para sa Best Drama Series at MagTV Na Ato Ni ng ABS-CBN’s Northern Mindanao para sa Best Entertainment Program.

Maging ang DZMM ay nag-uwi rin ng mga tropeo. Panalo bilang Best News Commentary ang Pasada Sais Trenta, habang itinanghal namang Best Educational Program ang Red Alert na nagtuturo ng safety tips kontra sakuna. Ginawaran din ng special citation sa Best Educational Program category ang  Sa Bukiran na gumagabay sa mga nais magnegosyo sa agrikultura.

Nagtamo rin sila ng parangal sa kategorya ng musika dahil sa Christmas station ID nito noong 2013 na Magkasama Tayo sa Kwento ng Pagbangon na pinarangalan bilang Best Music Video.

Napanalunan naman ng international film ng Star Cinema na Alagwa, tampok sina Jericho Rosales at Bugoy Cariño, ang Students’ Choice for Best Film.

Tumanggap din ang ABS-CBN Creative Communications Management ng special citation sa Best TV Ad–Public Service cate­gory para sa promotional material nitong After the Storm.

Ang CMMA ay inoorganisa ng Archdiocese ng Manila at iginagawad sa media --- mapa- telebisyon, radyo, pelikula, musika, advertising, o press --- na hinuhubog ang kagandahang-asal ng mga Pilipino sa pamamagitan ng propesyunal na paggamit ng mass media at pagpapalaganap ng Christian values.

Tom and Carla mangunguna sa Ukay-Ukay

 Ang Kapuso onscreen couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang mga bagong advocate ng Celebrity Ukay-Ukay ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) na magsisimula ngayong November 14 bilang bahagi ng Noel Bazaar na gaganapin sa World Trade Center. 

Sa pagtutulungan ng GMAKF at Cut Unlimited, Inc., nagbabalik ang Celebrity Ukay-Ukay kung saan ang mga Kapuso celebrities ay nagdo-donate ng kanilang pre-loved o kaya’y mga bagong kagamitan upang maibenta sa bazaar. Ang proceeds ay inilalaan para sa iba’t ibang proyekto ng GMAKF tulad ng Kapuso School Development, Unang Hakbang sa Kinabukasan at Give A Gift Alay sa Batang Pinoy Christmas project.

 “It is truly a blessing that the Network and its stars continuously support the Foundation’s endeavors and we are fortunate to have Tom and Carla as this year’s advocates for social change,” sabi ng GMAKF EVP and COO na si Mel C. Tiangco.

Sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid ang naging pioneering advocates noong inilunsad ang proyekto noong 2010, habang ang Kapuso royal couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes naman ang nanguna sa pagsulong ng proyekto noong 2013.

Ngayong taon, sina Tom at Carla, ang Kapuso love team na nagpakilig sa marami sa pamamagitan ng internationally-acclaimed series My Husband’s Lover at sa romantic-drama na My Destiny na maghatid ng tulong at serbisyo sa kanilang kapwa Pilipino.

“I am grateful for this opportunity to give back in a personal way,” ibinahagi ni Carla na nagsimula nang maghanap ng ido-donate sa bazaar. “And, not only do these shoppers come home happy with their purchases, they can also feel good that they have contributed to helping those in need,” dagdag ng Kapuso actress.

 Nagbigay na rin si Tom ng kanyang mga personal na gamit na ibebenta sa bazaar. ”With Christmas just around the corner, this is the perfect opportunity for us and our fans to pay it forward,” sabi ng Kapuso leading man.

Join na kina Tom, Carla, at iba pang Kapuso artists sa opening ng Noel Bazaar sa World Trade Center sa November 14.

Ang Tom and Carla’s Celebrity Ukay-Ukay booth ay bukas sa mga sumusunod na petsa: November 14-16, November 21-23, November 28-30. May celebrity auctions din bawat bazaar weekend at tatagal mula November 14 hanggang November 30, 11:00AM-9:00PM.           

 

BEST BEST EDUCATIONAL PROGRAM CARLA CELEBRITY UKAY-UKAY DRAMA SERIES KAPUSO PARA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with