JM panay ang wrestling... Sharon abala sa pagbebenta ng mga townhouse! Payat na litratong nagkalat luma raw?
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Luma raw at dating picture na ni Megastar Sharon Cuneta ang patok na patok sa internet na pumayat niyang posing. Ayon sa isang source, oo raw at pumayat na si Sharon, pero hindi raw bago ang naturang picture na nagkalat sa internet. Wala pa raw inilalabas na bagong litrato niya si Sharon na nanahimik after nitong tapusin ang kontrata sa TV5. Si KC ang nagkuwento na pumayat na ang kanyang mommy sa pamamagitan ng Cohen Diet.

Actually nang i-check ko ang Facebook account ni Mega, wala nga siyang ina-upload na bagong photos niya.

Mga litrato ng mga binibenta nilang townhouses sa Quezon City ang nasa FB account ni Mega. Ang gaganda ng mga naturang townhouse na for sale kaya maganda rin ang presyo – from 9 to 10 million per unit. May negosyong build and sell ang kompanya ni Mega.

Sa negosyo pa lang niya hindi na ni Mega kailangan ang showbiz.

Luis, Billy, Marvin, DJ, at Matteo kanya-kanyang laitan

Niregaluhan ng diamond jewelry set ni Luis Manzano ang nanay niyang si Gov. Vilma Santos na nag-celebrate ng 61st birthday last November 3.

Tuwang-tuwa si Luis dahil sinuot agad ni Gov. Vilma ang regalo niya. ‘Yun nga lang hindi raw nag­kasya ang singsing kaya ibinalik muna sa kanya para ma-resize.

Anyway, puro tawanan ang maririnig sa ginanap na premiere night ng pelikula nilang Moron 5.2 The Transformation.

Ang bongga kasi ng mga eksena nila Luis, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano and Matteo Guidicelli.

Kanya-kanya silang laitan sa kanilang sarili kaya natural na lumabas ang mga eksena nilang lima plus John Lapus.

Tiyak na papatok ito. Tatak-Direk Wenn Deramas ang pelikula and definitely mas nakakatawa ito kesa sa naunang Moron 5.

JM panay ang wrestling at boxing para hindi na matukso uli sa droga

Wrestling at boxing ang pinagkakaabalahan ni JM de Guzman pag wala siyang trabaho kaya medyo pumayat na ang aktor na isang taon ding namalagi sa rehab dahil sa droga. Dumaan siya sa matinding depression na hindi niya nakayanan kaya napunta sa rehab.

Ngayon masaya na siya dahil sunud-sunod ang kanyang trabaho. Balik pelikula si JM sa isa sa mga kasali sa gaganaping Cinema 1 Originals Film Festival (na may temang Intense) na celebration ng kanilang 10th anniversary, That Thing Called Tadhana. “Ngayong hawak ko na uli iingatan ko na,” sabi ng aktor na nakausap namin kahapon sa press launching ng Intense sa nangyayari sa kanyang career ngayon.

Kahit ok na siya at regular nang napapanood sa Hawak Kamay na bida si Piolo Pascual, hindi niya idini-deny na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari.“Pero iniiwasan ko nang isipin. Nagpo-focus na lang ako sa mga positive na bagay,” pahayag ng aktor.

May ilan-ilang nagpapaala sa kanya pag nakikita siya pero pinipigilan niyang patulan ang mga ito.

So may time ba na hindi na siya nakapagpigil sa mga nagpaparinig?

Tumawa lang ang aktor sabay sabing ‘secret’ na parang ang meaning ay may pinatulan na siya.

Celebrity ba ito or ordinary fan/s? “Fan lang,” pabulong na sagot ni JM.

Supportive rin naman ang mga binalikan niyang mga katra­baho at kaibigan kaya hindi siya nahihirapang makawala sa dilemma na kanyang naranasan sa rehab center. “Sila rin naman may depressions and insecurities so naiintindihan naman nila,” sabi ng aktor.

Eh in case na may mag-offer ng role na adik siya, sa pelikula o TV show, tatanggapin ba niya? “Actually, tapos na ako sa stage na pagtanggap eh. Tungkol sa nangyari sa akin. ‘Yung recovery na pinagdaanan ko, tapos na ‘yon.

“Sa akin lang, makakabuti ba? Kung ‘yon ang pinagdaanan ko sa totoong buhay?” rason ng aktor na ex-boyfriend ni Jessy Mendiola.

Eh kumusta namang katrabaho si Angelica Panganiban sa That Thing…? Inaya ba siyang uminom? Kasama ba si John Lloyd? Ratrat na tanong sa kanya.

Pero kalmado sa tanong si JM.  “Bawal akong uminom eh! Bawal na rin ang sigarilyo,” sabi ng aktor.

May bantay ba siya para hindi na uli matuksong magbisyo?

“’Yun ang challenge! How do you live without anyone watching you! Kasi sa loob, lahat sila, nakabantay sa ‘yo. Maliliit na galaw mo na mali, ganyan.

“Pero talagang umaga pa lang, hanggang bago matulog!” pag-aalala pa ng aktor.

Nami-miss na rin niyang magka-girlfriend. Pero wala pa naman siyang binanggit na nililigawan.

‘Yung isyung balikan nila ni Jessy ay itinanggi ng aktor. Magkaibigan daw sila ngayon.

AKTOR ANGELICA PANGANIBAN LUIS MEGA NIYA PERO SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with