P-Noy inihalintulad ang lovelife sa Coke
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2014 - 12:00am

SEEN: Ngayon ang 28th birthday ni Angelica Panganiban. Ipagdiriwang ni Angelica sa Amerika ang kanyang birthday kasama ang boyfriend niya na si John Lloyd Cruz. Matagal na mawawala sa Pilipinas ang dalawa kaya nag-advance taping si John Lloyd para sa sitcom na Home Sweetie Home. 

SCENE: Si Angelica Panganiban ang gaganap na Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ’Yo na pagbibidahan ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Si Eula Valdes ang nagpasikat sa role ni Amor Powers noong 2000 hanggang 2002. 

SEEN: Over rated si Kai Honasan, ang anak ni Senator Gringo Honasan na contestant ng Season 2 ng The Voice of the Philippines ng ABS-CBN. 

SCENE: Inihalintulad ni P-Noy sa Coke Zero ang kanyang lovelife. Si P-Noy ang special guest sa inauguration kahapon ng Coca-Cola Plant sa Laguna.

SEEN: Pre-taped ang lahat ng mga promo guesting nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa TV kaya hindi pa nila alam na November 17 at hindi na November 3 ang pilot telecast ng kanilang teleserye sa GMA 7, ang More Than Words.

SCENE: Bumaha kahapon ang pagbati ng maligayang kaarawan kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto. Kahapon ang 61st birthday ng Star for All Seasons.

SEEN: Nagbalik ang star aura ni Jolina Magdangal nang bumalik siya sa ABS-CBN.

SCENE: Dinagsa ng fans ang simultaneous red carpet premiere kagabi ng Moron 5.2 The Transformation ng Viva Films sa Market! Market at SM Megamall Cinema.

 

ALL SEASONS AMOR POWERS ANGELICA PANGANIBAN BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO COCA-COLA PLANT COKE ZERO DANIEL PADILLA ELMO MAGALONA HOME SWEETIE HOME
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with