Matteo may sked lang ang pagdalaw kay Sarah
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2014 - 12:00am

Matteo Guidicelli will not be celebrating Halloween with girlfriend Sa­rah Geronimo. Anytime now o baka nakaalis na ito pupuntang Cebu para maka­sa­ma ang kanyang pamilya sa paggunita ng All Saints Day and All Souls Days. May isang kapatid ito na du­ma­ting from abroad kaya magiging masaya sila sa paggunita ng dalawang mahahalagang araw ng taon.

Pero kuwento naman ni Matteo, he visits her twice a week na sapat na para ma-update nila ang isa’t isa sa mga kaganapan sa kanilang buhay at pa­ra na rin i-assure ang isa’t isa of their love. Matteo has just wrapped up shooting for Moron 5.2 The Trans­formation habang abala naman si Sarah sa pa­­giging coach ng The Voice of the Philippines at pagpo-promote ng kanyang bagong album, Perfect­y Imperfect, Pilit man itago ni Matteo sa kan­yang long sleeves ang sagisag ng kanilang relasyon ni Sarah na isang bracelet, palaging aksidente itong lu­mi­litaw at nakikita ng kanyang mga kasamahan at kausap.

Wala ring isyu sa kanila kung mas malaking artista si Sarah kesa sa kanya. “In my eyes, it’s not a prob­lem. When we’re together, I don’t see her as a superstar. I see her as the person I love and as a normal person.”

Erik Santos hindi sinuportahan si Angeline sa beauty…

Very open si Angeline Quinto sa pag-amin sa ‘relasyon’ nila ni Erik Santos. Kulang na lang sabihin niyang sila nga, pero parating may pasubali na “Close kami,” pero hanggang dun lang. Kapag pinagtataasan siya ng kilay ng mga kausap niya, idinaragdag na lamang niya na nami-miss niya ito at marami itong katangian na gusto niya.

Pero bakit hindi yata sinuportahan ng singer ang premiere ng pelikula ­niyang Beauty in a Bottle na kung saan ay muli niyang ipinamalas ang husay niya sa comedy? Magagaling ang mga nakasama niya sa movie pero hindi naman nila siya iniwan ng malayo sa pagpapatawa. Mahusay ang timing niya at bagay ‘yung imahe na ipino-project niya na beautiful but dumb. Ang maganda sa  kanya, wala siyang kiyeme kahit ginagawa siyang katatawanan. Tulad ni Vice Ganda na hinayaan niyang “lapastanganin” siya nang mag-guest  siya sa programa nito para sa promosyon ng BIAB. 

Direk Gina imbyerna na sa pangdadawit pa rin ng pangalan ni Geoff

Hindi nga naman masisi kung nagagalit man si Direk Gina Alajar sa walang katapusang isyu sa kanyang anak na si Geoff Eigenmann kahit matagal nan itong hiwalay kay Carla Abellana. Paano nga naman makaka-move on si Geoff kung walang tigil ang pagdadawit sa pangaan nito kahit na may ba­gong relasyon na raw ang kanyang ex na si Carla Abellana?

Para nga namang ikumpara ang kanyang anak kay Tom Rodriguez ay tutol na siya, ‘yun pa kayang pagkampi o pagboto ng mga magulang ng manugang na hilaw niya sa bagong karelasyon nito. Ang gusto naman niya ay iwan na nila ang kanyang anak in peace para madali itong makapag-move on. Pero sa malas ay mahirap makamtan ang hinihiling na peace ng mag-ina. At ito na marahil ang dapat nilang matanggap bilang bahagi ng kanilang pagiging mga artista.

 

ALL SAINTS DAY ALL SOULS DAYS CARLA ABELLANA ERIK SANTOS MATTEO NIYA PERO SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with