Dalawang ‘babae’ sa buhay ni Luis magsasama sa pelikula
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2014 - 12:00am

Kinumpirma ni Luis Manzano na gagawa ng pelikula ang kanyang mommy Vilma Santos at nob­yang si Angel Locsin under Star Cinema. Hindi pa alam ni Luis ang buong detalye pero na kay Angel na ang script.

Nakatitiyak naman sila na magiging maganda ang kalalabasan ng pe­li­­ku­la dahil ididirek ito ni Olive Lamasan. Isa itong drama at pinagpipilian pa ang makakasamang aktor sa pelikula.

Ngayon pa lang ay excited na si Luis dahil ang dalawang babaeng mahalaga sa kanyang buhay ay magsasama sa isang proyekto.

Dating tambalan nina Marvin at Jolina bubuhayin ng Dos

Gaano kaya katotoo ang balita na magbabalik ang tambalan sa Dos nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin? Magtatambal daw ang dalawa sa isang teleserye titled Flordeliza.

Nasa Sunday All Stars pa rin si Jolens at na­na­tili pa ring tahimik ang aktres. Sa kabilang banda hindi natin alam kung tapos na ba ang kontrata ni Marvin sa TV5. Kung tapos na ang kontrata niya sa Kapatid network wala na siyang problema sa pagbalik sa Dos. Nanggaling ang aktor sa Dos then lumipat ng GMA hanggang mapunta sa TV5.

Kung sakaling matuloy ang tambalang Jolens-Marvin maraming matutuwa laluna ang mga fans nila.

Direk Louie libreng nagbigay ng serbisyo!

Isa sa pinakamabait na director sa movie industry si Louie Ignacio. Hindi lang siya makatao kundi higit sa lahat ay maka-Diyos. Pumayag itong idirek ang aming 2nd Gintong Palad Awards Night ng MWWF ngayong November 29, 2014 na walang bayad. Idaraos ito sa Illus­trado, Intramuros at magiging guest speaker si Mayor Joseph Estrada.

Ang 2nd Gintong Palad Awards ay idaraos sa pakikipagtulungan sa Rotary Club of Intramuros sa pamumuno ni Architect Ayett Garcia at punong abala sa pagdiriwang si Jess Trinos Jr. ng RCI.

Ang Gintong Palad Awards ay ipinagkakaloob sa mga celebrities na may ginintuang puso at han­dang tumulong sa mga kapatid.

Karamihan sa mga awardees ay aktibo sa kanilang Foundation.

ANG GINTONG PALAD AWARDS ANGEL LOCSIN ARCHITECT AYETT GARCIA DIREK LOUIE GINTONG PALAD AWARDS GINTONG PALAD AWARDS NIGHT ISA JESS TRINOS JR. SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with