Jake best actor sa Manhattan International Filmfest
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2014 - 12:00am

SCENE: Pang-acting award ang pag-iyak ni Marc Suselbeck sa libing kahapon ng kanyang transgender fiancée na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

SEEN:  Ang nakakapangilabot na litrato ni Chynna Ortaleza at ng mysterious woman na nakunan sa kanyang likuran.

SCENE : Best actor awardee si Jake Cuenca sa  2014 International Film Festival Manhattan  para sa pelikulang Mulat ng direktor na si Diane Ventura, ang ex-wife ni Ely Buendia. Ginanap ang awards night sa Kalayaan Hall ng Philippine Consulate General sa New York.

Seen : Ang new look at new hairstyle ng broadcast journalist na si Arnold Clavio.

Scene : Handang-handa na si Clau­dine Barretto na magbalik- show­biz. Handa na ba ang showbiz sa kanya?

Seen : Ngayong gabi ang red carpet premiere sa Newport Performing Arts Theater  Resorts World Manila ng Blood Ransom, ang suspense-thriller movie ni Anne Curtis at ng American actor na si Alexander Dreymon.

Seen : Number 10 ang Norte, Hang­ganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz sa  listahan ng Best Foreign Language Films ng  Criticwire Network, ang samahan ng 500 film critics sa buong mundo.

ANNE CURTIS ARNOLD CLAVIO BEST FOREIGN LANGUAGE FILMS BLOOD RANSOM CHYNNA ORTALEZA CRITICWIRE NETWORK DIANE VENTURA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with