JaDine gagawa ng pelikula kasama ang anak ni Piolo at si Julia Barretto
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2014 - 12:00am

Seen: Ang paghahanap ng mga tsismoso sa alleged sex video ni Camarines Norte Governor  Edgardo Tallado at ng kanyang kabit dahil ito ang sinabi na dahilan ng pagtakas  at pagkawala ng misis niya na si Mrs. Josie Tallado.

Pampelikula ang kuwento ng  kaso  dahil sa paglantad ni Mrs. Tallado at sa rebelasyon nito na makakasira sa political career ng asawa nitong ni Go­vernor Tallado.

Scene: Ang story conference noong Martes ng Para sa Hopeless Romantic, ang new movie project ng Viva Films at Star Cinema na pagbibidahan nina James Reid, Nadine Lustre, Julia Barretto at Iñigo Pascual. Sa isang taon pa ipalalabas ang pelikula.

Scene: Isang Thanksgiving party ang pinaplano ni Coco Martin sa kanyang birthday sa November 1, All Saints Day.

Scene: Dumating nang maaga at umalis agad si Billy Crawford sa presscon ng Moron 5.2 The Transformation dahil hinabol niya ang pagsisimula ng It’s Showtime ng ABS-CBN.

Seen: Inilabas ng GMA News ang kopya ng testimonya ng mga US Marine na kasama ni Private First Class Joseph Scott Pemberton nang gabi na patayin nito ang transgender na si Jennifer Laude. Sinabi ng mga kasamahan ni Pemberton na binayaran nila ng P1,000 each ang mga babae na kanilang nakatalik na kontra sa  pahayag ng mga sangkot na hindi sila mga bayaran.

Seen:  Ang pagsugod  kahapon ng Laude family sa Camp Aguinaldo dahil dito dinala si Private First Class Joseph Scott Pemberton. Nakunan ng mga TV camera ang pagtatangka ni Marc Süselbeck na maakyat ang bakod ng kampo dahil sa kagustuhan niya na makita ang suspect sa pagpatay sa kanyang  fiancée. Si Suselbeck ang German national na boyfriend ni Laude at hindi dapat pumayag ang mga bantay na  Filipino soldier na itulak-tulak sila ng isang dayuhan.

ALL SAINTS DAY BILLY CRAWFORD CAMARINES NORTE GOVERNOR CAMP AGUINALDO COCO MARTIN PRIVATE FIRST CLASS JOSEPH SCOTT PEMBERTON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with