After 43 years sa showbiz Nova Villa ngayon lang nakatikim maging bida
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2014 - 12:00am

Tuwang-tuwa si Nova Villa nang malamang magkakaroon ng commercial run ang 2014 Cinemalaya hit movie na 1st Ko Si 3rd na bida ang veteran actress kasama sina Freddie Webb at Dante Rivero. Mapapanood exclusive sa Ayala Cinemas ang pelikula starting November 12 onwards.

Napapalakpak pa sa tuwa si Nova nang malamang invited sa Hawaii International Film Festival ang nabanggit na pelikula. Kasama ang director na si Real Florido at co-producer na si RJ Agustin, dadalo ang tatlo at rarampa sa red carpet opening.

Part din ito ng 2nd QCine­ma International Film Festival na magbubukas sa first week ng November. Masayang sinagot ni Nova ang aming tanong kung ano ang feeling na title role siya, una ang billing sa poster at picture lang niya ang nakalagay sa poster?

“Hindi ko maipinta ang kasiyahan ko, sa 43 years ko sa showbiz, bida ako sa movie at sa poster. Dati, sa movie ni FPJ (Fernando Poe, Jr.) at ibang movies ko, leading lady ako, pero second lead. Dito ako ang bida, kaya tuwang-tuwa ako,” sagot ni Nova.

Young team ang bumubuo sa pelikula mula sa director nitong si Real who is only 30 years old. Ang co-producer na si RJ ay 21 years old at kasama si Vian Serranilla, gumastos sila ng P3M para magawa ang pelikula.

Nadine sunud-sunod na ang trabaho sa Kapamilya

Masusundan ang guesting ni Nadine Samonte sa ABS-CBN pagkatapos siyang mapanood sa Maalaala Mo Kaya. Two weeks magi-guest si Nadine sa Hawak Kamay.

Pagkatapos ng Hawak Kamay, gagawin ni Nadine ang Pasion de Amor at regular serye na niya ito sa Kapamilya Network. Wala pa naman daw kontrata sa ABS-CBN at per project ang kontrata, pero dahil sunud-sunod ang gagawin, hindi kami magugulat kung pumirma siya ng kontrata at maging Kapamilya na talaga.

Si Eric Quizon ang director ng Pasion De Amor, na nakatrabaho ni Nadine sa TV5 dati. Sa department naman ni director Ruel Bayani ang Hawak Kamay na naging director ni Nadine sa GMA-7 dati, kaya hindi siya naninibago.

AYALA CINEMAS DANTE RIVERO FERNANDO POE FREDDIE WEBB HAWAII INTERNATIONAL FILM FESTIVAL HAWAK KAMAY INTERNATIONAL FILM FESTIVAL KAPAMILYA KAPAMILYA NETWORK NADINE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with