^

PSN Showbiz

MJ Lastimosa tuloy ang pagti-training kahit naurong ang Miss U

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ikinalungkot ng marami ang hindi pagkakaroon ng Miss Universe Beauty Pageant ngayong taon. Itinuturing itong history dahil ito raw ang kauna-una­hang pagkakataon na hindi idaraos ang nasabing annual beauty competition sa loob ng isang buong taon. Nakatakdang ganapin sa Doral, Florida, U.S.A. sa January 25, 2015 ang susunod na Miss Universe pageant.

Parang nabunutan daw ng tinik sa dibdib ang 2014 Miss Universe-Philippines na si MJ Lastimosa na siyang pambato ng Pilipinas nang malamang ipagpapaliban muna ang Miss Universe pageant. “Mas nakahinga na ako nang maluwag. Kasi alam na natin at nagkaroon na ako ng goal and I believe na ang sambayanang Pilipino are very exci­ted na about it. Most of my family is in the States, so number one advantage ‘yun for me. Kasi makakapanood sila, so I’ll be very inspired to have my family watch me live,” nakangiting pahayag ni MJ.

Aminado ang beauty queen na sobrang kinakabahan siya para sa nalalapit na contest kaya talagang pinaghahandaan niya ito. “Kinakabahan ako sa gabing iyon pero sana ibigay sa akin na maging gabi ko ‘yon sa pageant night. Tuluy-tuloy pa rin naman ako sa mga training ko. ‘Yung pagpapaganda ng katawan napaka-importante sa swimsuit round. Sa mga clo­thing medyo inaayos pa sa mga personality development and question and answer portion, tuluy-tuloy pa rin ‘yun,” pagbabahagi ng dalaga.

Hayden gusto na lang ilihim ang proposal kay Vicki

Isa sa mga pinakakontrobersyal na relasyon sa show business ay ang ugnayan nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho. Ayon kay Hayden ay malapit na magkaibigan sila ngayon ni Dr. Belo. Matatandaang nag-propose na ng kasal ang binata kay Dr. Vicki noong 2010 pero hindi natuloy ang pagpapakasal ng dalawa. May bulung-bulungan na may balak daw muling mag-propose ni Hayden kay Dr. Belo. “’Yung mga ganyan, pwede bang mga secret-secret na lang ‘yan?” naka­ngiting bungad ni Hayden.

Marami na raw hindi naniniwala sa binata kung ano ang tunay na hangarin nito kay Dr. Vicki mula nang masangkot sa ilang sex video scandal ilang taon na ang nakararaan. “There are many thing that shouldn’t be on paper. There are things that I reserve for my private life. I don’t want to be on people’s screens or computers. We are good friends. We are very, very good friends. I really like our relationship now. We go to church together. We study the Bible together. Every Monday, we have a Bible study,” kwento ni Hayden. “We’ve been together for nine years. We are tried and tested. And here comes the topic of faith again. I know that she loves me because of what she’s already shown. I know it’s hard to believe that I love her because of those things that I have done in the past. But what I’m trying to be, I think ‘yun din ang nagbibigay ng hope kay Vicki that there’s something in this guy,” paliwanag ni Hayden.

Reports from JAMES C. CANTOS

DR. BELO

DR. VICKI

DR. VICKI BELO

EVERY MONDAY

HAYDEN

HAYDEN KHO

KASI

MISS UNIVERSE

MISS UNIVERSE BEAUTY PAGEANT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with