Luis binitbit si Angel sa Amerika!
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2014 - 12:00am

Seen: Nadakip sa Sta. Rosa, Laguna noong Martes si Michael Flores, ang suspect sa pagpaslang sa ina ni Cherry Pie Picache. Nagpagupit nang maigsi, nagpatubo ng bigote at balbas si Michael upang hindi makilala ng mga tao pero hindi siya nagtagumpay na ikubli ang tunay na pagkatao.

Scene : Ang pasasalamat ni Cherry Pie Picache sa lahat ng mga tumulong upang matukoy ang pinagtataguan ni Michael Flores: In behalf of my family, ang aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng tulong ninyo!!! For all those who retweeted, reposted, the diff.news show, Kuya Boy, Kris.. Sta. Rosa authorities.
“Sa’yo na naglakas loob to report, we will thank you personally soon. Pls. continue to pray for us. Our justice has just started. Praying he will be convicted the soonest time. Muli, our gratitude. To God be all the glory. Mama, this is for you
.”

Seen : Pinakiusapan si Marvin Agustin na dumalo sa presscon ng Moron 5.2 The Transformation ng Viva Films noong Martes. Hirap maglakad si Marvin na nagkaroon ng injury dahil sa paglalaro ng tennis.

Scene : Absent si Luis Manzano sa presscon ng Moron 5.2 The Transformation dahil sa live show ng ASAP19 sa Los Angeles, California. Kasama ni Luis sa US trip ang girlfriend na si Angel Locsin.

Seen : Ang nanay ni Sarah Lahbati na si Esther na dumalo sa 21st birthday celebration ng kanyang anak sa 71 Gramercy noong Martes. Nakahalubilo ni Esther sa party ni Sarah si Annabelle Rama na siniraan niya noon at inakusahan ng pang-aapi kahit in good faith ang pagsasabi sa kanya na magbalot siya ng mga left over food sa birthday party at binyag ng kanilang apo na si Zion.

Scene : Ang mga funny comment sa hide and seek photo nina Hayden Kho, Jr. at Dra. Vicki Belo dahil hindi na bagay sa kanilang mga edad ang maglaro ng taguan.

Seen : Si 2013 Miss World Megan Young ang special guest sa Miss World Philippines Charity Gala Night na ginanap noong Martes sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino. First time na nakilala ni Megan nang personal sa charity gala night ang official candidates ng Miss World Philippines 2014.

Scene : Ang blessing kagabi ng The Music Hall@Metrowalk, ang event’s place/bar sa Metrowalk, Pasig City na pag-aari ng Viva Group of Companies. Ang The Music Hall@Metrowalk ang bagong pangalan ng The Library Metrowalk.

Seen : Ang pagsakay sa motorsiklo na nagdala sa kanila sa Centennial Terminal ng PAL ang paraan na naisip nina Gerald Anderson, Maja Salvador, Sam Milby, Daniel Padilla at Erik Santos kaya umabot sila sa kanilang flight for US noong matrapik na araw ng Martes. Naiwanan ng eroplano si Angeline Quinto dahil sa trapik.

ANG THE MUSIC HALL ANGEL LOCSIN ANGELINE QUINTO ANNABELLE RAMA CENTENNIAL TERMINAL CHERRY PIE PICACHE DANIEL PADILLA METROWALK MICHAEL FLORES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with