Dennis natigalgal kay Goma
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2014 - 12:00am

Tinanong si Dennis Trillo sa presscon ng The Janitor kung hindi ba siya na-intimidate kay Richard Gomez na kasama sa pelikula.

‘‘Na-starstruck ako sa kanya dahil para siyang Adonis. Pero kahit napakalaking tao ay napakabait naman nito,’’ pahayag ng aktor.

Sinabi rin nito na willing siyang mag-guest sa mga programa ng Dos para sa promo ng pelikula dahil Star Cinema ang magre-release nito.

Ang The Janitor ay magbubukas sa mainstream cinemas nationwide ngayong Oktubre 8.

Michelle nakapagbida rin after 10 years

Sampung taon na sa showbiz si Michelle Madrigal at ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na magbida sa Bacao. Personal choice siya ni Direk Edgardo Vinarao na gampanan ang papel ng isang probinsiyana dahil sa kayumanggi nitong kulay. Bentahe rin ng aktres ang pagiging maga­ling na artista.

‘‘Sinagot din ni Lord ang wish ko na mabigyan naman ako ng chance na maging bida. Magaling na director pa ang humawak. Sana magtuluy-tuloy na ako sa pagiging bida,’’ sabi ni Michelle.

Ang bacao o maisan na pangunahing kabuhayan sa Isabela iikot ang kuwento ng pelikula na kasali sa gaganaping Sineng Pambansa Horror Plus Filmfest na mag-uumpisang ipalabas sa SM Cinemas sa October 29. Ito ay ginawa ng Oro de Siete Productions.

ANG THE JANITOR BENTAHE DIREK EDGARDO VINARAO MICHELLE MICHELLE MADRIGAL RICHARD GOMEZ SIETE PRODUCTIONS SINENG PAMBANSA HORROR PLUS FILMFEST STAR CINEMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with