^

PSN Showbiz

Make-up transformation ni Paolo B. uuriratin ni Jessica

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mula sa mga Hollywood A-listers tulad nina Angelina Jolie, Mariah Carey at Britney Spears hanggang sa mga local celebrities gaya nina Marian Ri­vera at Megan Young, lahat nagiging kamukha ni Paolo Ballesteros dahil sa husay niya sa pagme-make up. Pero kamakailan lang, na-mild stroke ang nasabing Eat Bulaga host. Ngayong linggo, samahan ang KMJS na kumustahin si Dabarkads Paolo B.

Samantala, tampok rin sa KMJS ang pumanaw na ko­med­yanteng si Tia Pusit. Balikan ang makulay na karera ni Tia Pusit at alamin kung paano niya pinatawa ang samba­yanan sa istilo ng kanyang ko­­medya at sino nga ba si Tia Pusit bilang ina. 

Bukod dito, ilan pang kuwento ang hatid ng KMJS tulad ng mga paborito at kakaibang pulutan ng mga Pilipino; ang dental make-over ng ilang mga beki sa Cavite; ang pag-atake ng mga higad sa isang bahay sa Davao City; at ang kwento ng mga gamit na tila ba nasapian.

Tunghayan ang mga kuwentong ito kasama ang multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho ngayong Linggo sa KMJS pagkatapos ng Ismol Family sa GMA 7.

 

ANGELINA JOLIE

BRITNEY SPEARS

DABARKADS PAOLO B

DAVAO CITY

EAT BULAGA

HOLLYWOOD A

ISMOL FAMILY

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with